Jhong Hilario, nagpaalam na sa ‘Your Face Sounds Familiar’

Pormal nang nagpaalam sa celebrity impersonation competition na ‘Your Face Sounds Familiar‘ (YFSF) ang isa sa mga celebrity contenders nito na si Jhong Hilario.

Sa episode ng show kagabi, April 17, ay ginawa ang announcement na ito kung saan napanood ang tinaguriang ‘sample king’ via Zoom.

PHOTO: ABS-CBN

Nakakalungkot na sabihin ito sa inyong lahat, kailangan ko munang magpaalam sa Your Face Sounds Familiar.

Meron kasing bata na alam mo, kapag may naramdaman ang bata, hindi siya nakakapagsalita, e.

Napabalita na noong nakaraang linggo ang nasabing pamamaalam ni Jhong sa nasabing programa.

Nais ni Jhong na gawing prayoridad muna ang kalusugan at kaligtasan ng kanyang asawa na si Maia at ng kanilang anak na si Sarina.

Pinag-isipan ko ito, hindi ako nakatulog pero itong desisyon po na ito, talagang inisip ko talaga yung anak ko eh.

Gusto kong malaman niya paglaki niya, kaya ko ginawa yun dahil mahal ko siya.

Sinabi naman ng host ng programa na si Luis Manzano na naiintindihan nila ang naging desisyon ni Jhong na unahin ang pamilya.

Dagdag pa ni Luis:

Sa ngalan ng lahat ng kasamahan mo dito sa Your, nalulungkot man kami na hindi man makasama ang isang Jhong Hilario, e, naiintindihan namin.

We wish you the best sa newest chapter ng iyong buhay. Good luck and we will see you soon, our Sample King Jhong Hilario.

Hindi nakalimutan ni Jhong na magpasalamat sa pamunuan ng ABS-CBN.

Gusto kong pasalamatan ang ABS-CBN management, ang YFSF family dahil sa pag-iintindi nila na nagpaalam ako sa kanila and sinabi nila na yes, family first.

Kaya maraming salamat po, Kapamilya. Maraming maraming salamat po.

Nasa ikaanim na linggo na ang nasabing show at naging weekly winner si Jhong sa unang dalawang linggo nito.

Maliban sa YFSF, hindi na rin muna napapanood si Jhong bilang isa sa mga main hosts ng ABS-CBN noontime show ‘It’s Showtime‘.

Mula sa pagpapalabas ng replay episodes, balik na ulit sa fresh episodes ang nasabing noontime show simula noong Lunes, April 12.

Bumalik na rin sila sa live episodes noong April 15 at hindi na nga kasama si Jhong sa naging pagbabalik na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: