Pagkukumpara ni Harry Roque sa sarili kay James Reid, umani ng reaksiyon mula sa netizens

Usap-usapan sa social media ang isang Facebook post ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa nasabing post, nagbiro si Roque at tila ikinumpara ang sarili sa sikat na aktor na si James Reid.

Narito ang kanyang post:

Me: Magkano po tong picture ni James Reid, Miss?

Saleslady: Salamin po yan Sir. #kalmaAkoLangTo

As of this writing, mayroon nang 74K shares ang nasabing post.

Agad rin itong umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang mga komento ng mga netizens tungkol dito (published as is).

“Roque: Magkano po tong picture ni jollibee.  Cashier: Sir salamin po yan”

“Naka confine ka pa ba? Lumabas ka na jan. ibigay mo na sa mas nangangailangan. Nagagawa mo nang mag biro eh. Joking around while knowing sa labas may kababayan ka na nag aagaw buhay at nagaabang na may ma bakanteng room is very “UN-CHRISTIAN”.

“Kaya nga hindi umuunlad ang bansa natin kasi hindi tayo sumusuporta sa mga pinuno natin.ganiyan talaga buhay niyo wala kayo magawa puro kayo panira sa pinuno natin paanu tayo igagalang ng ibang bansa kong sariling nakatira dito mga tao ay walang galang sa my positions”

“what a shme can we all normalize pagiging gwapo ni sir harry? we all are humans, we’re not perfect. so if you still find this funny, block me now go educate yourself.”

“Dapat “Magkano po ba tong Poster ni Roderick Paulate”

“With all due respect sir, we think that’s a very unchristian statement.”

“Huwag Si James Reid. Please Lang po.”

“MUKHANG BASAG PO YUN SALAMIN, 50% DISCOUNT NA LANG PO SIR”

“Di ako natutuwa mare ahh magresign kana di bagay spoke person sayo mag comedian ka nalang mas mas marami pera, di ka mapagkakamalan na kurakot.”

PHOTO: Facebook | Harry Roque

“Kahit pwet ni James reid wala ka nakuha”

“Dami kong tawa, kasing dami ng Ninakaw ng PhilHealth. Lupet!”

“Hala. Sense of smell, taste, pati sight apektado ng C0VlD… #thoughtsandprayers”

“Magkano po ang prinsipyo ng isang human rights lawyer?”

“Epekto ng C0Vld-19 yan pre, bka hindi kpa fully recovered.”

“Kulang po ata dosage ng gamot nyo. Paki pa dagdag po para naman di kayo nawawala sa huwisyo.”

“Pati pala joke ninanakaw, kala ko yung 15 Billion lang sa Philhealth.”

“Napaka un-Christian naman ng banat na yan.”

“Magtutulog ka. Puyat lang yan. Hilig niyo kasi magbigay ng speech tuwing hatinggabi.”

“May magagawa po ba yung mga likers nyo kapag pinagssampal kayo ng Sambayanang Pilipino? Jk”

“Ang galang naman ni sales lady, tinatawag na “sir” kahit mga hay*p”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: