Coco Martin, kakandidatong senador sa 2022?

Tatakbo nga ba sa senado si Coco Martin?

Ito ang tanong ng kanyang mga tagahanaga matapos lumabas ang isang ‘blind item’ sa PEP.ph kung saan nabanggit ang pagkandidato umano ng isang sikat na aktor sa darating na 2022 elections.

Ang blind item ay may pamagat ng “Sikat na aktor, tatapusin na ang teleserye dahil tatakbo sa 2022?

Ayon sa ulat, nanganganib nang magwakas ang isang teleserye hindi dahil sa napataob na ito ng katapat na programa kundi dahil sa balak na kumandidato ng bidang aktor.

Kinukumbinsi umano ng isang actor-politician ang aktor na pasukin na rin ang politika.

Ang ibinigay na clue ay nagkatrabaho ang dalawa sa isang TV series.

Agad namang nag-‘connect the dots’ ang mga tagahanga ni Coco at inisa-isa ang mga clues na ibinigay sa artikulo.

Si Coco Martin ang bida sa sikat na long-running teleserye na ‘Ang Probinsyano‘ na patuloy na namamayagpag sa ere sa loob ng limang taon.

Naging bahagi ng nasabing TV series si Senator Lito Lapid na umalis lamang sa show upang tutukan ang pagkandidato niya sa senado noong 2019.

At dahil sa pagsasama sa programa, naging matalik na magkaibigan ang dalawa.

Dahil dito, hindi maiwasan ng mga tagahanga na isiping maaaring si Coco Martin nga ang tinutukoy sa blind item na kakandidato sa eleksyon sa isang taon.

Kung matutuloy man ito at kung totoo mang siya nga ang tinutukoy sa artikulo, mapipilitan na ngang wakasan ang istorya ni Cardo Dalisay.

Ito ay dahil magiging abala na siya sa kandidatura pagkatapos ng filing of candidacy sa Oktubre.

Hirit ng mga tagahanga, kilala naman si Coco sa pagiging matulungin at sa dami ng natulungan nito.

Sa katunayan, sa kanyang teleserye kung saan siya rin ang tumatayong direktor, maraming mga artista ang nabigyan ulit ng panibagong pagkakataon na magkaroon ng trabaho sa nakalipas na mga taon.

Ngunit kung papasukin na niyang tuluyan ang politika, isang panibagong mundo ito para sa sikat na aktor.

At dahil marami naman itong tagahanga, posible nga kayang manalo ito kung sakaling magdesisyon ngang kumandidato?

Iyan ang dapat nating abangan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: