Viral sa Facebook ngayon ang post ng isang netizen na pabirong naghahanap sa may-ari ng “napulot” na pustiso.
Kaninong ngipin ito?
Ito ang tanong ng netizen na si Leo Ricarte na taga-Baragay Sta. Elena, Iligan City, Lanao Del Norte.
Ipinost niya sa kanyang Facebook account ang ilang larawan ng isang pustiso na bumutas sa bagong gulong ng kanyang sasakyan.
Hindi lang kapani-paniwala kasi pustiso … ang tibay nang pagkakagawa … tapos brand new ang tire ko.
Ayon sa kwento niya, pasado alas-tres ng hapon nang napansin niya mula sa side mirror ng sasakyan ang isang bagay na nakadikit sa gulong nito.
Pagbaba ko, dun ko napansin, isa palang denture … Naka baon sa tire. Pagtanggal ko, butas ‘yung tire.
Kwento pa niya, sinubukan pa niyang gawan ng paraan na magamit ang nabutas na gulong pero dahil hindi na niya ito maayos, kinailangan na niyang bumili ulit ng bago.
Ang kakaibahan lang ng interior at tubeless na tire, is pag nabutas ang interior, agad agad mapa-flat ang tire … ang tubeless hindi, mga isang oras pa bago ma-flat ang gulong.
At dahil unang beses niyang maranasan ang ganito, naisipan niyang i-post ito sa social media.
Narito ang ilang nakakaaliw na komento mula sa mga netizens (published as is).
“Express ho ang nasakyan na bus nung may ari nyan. Paghatsing nya sumama sa pagbuga yung pustiso. Ayaw ihinto ng driver nung bus ang pagpatakbo sa kadahilanang Express daw talaga ang byahe nila.”
“RIP sa pustisong mula sa taong di sumuko pero sumuka.”
“Naka brace pala ang pustiso kaya matibay”
“Ang tanong, san ky nya pinagawa ung pustiso kc dpt gnyn ,matibay sa kagatan! Mrming mgppagawa ng pustiso jan”
“Pustiso ata yan ng chismosa naming kapitbahay kakachismis di ata namalayan nalaglag na.”
“sa inay po yan lagi po yang binababad sa Beardbrand sa gabi para MAY TIBAY -RESISTENSYA araw araw”
“Pambihira, hindi naman kapanipaniwala,hindi naman bakal ang nilalagay na kawit sa pustiso. Silver kaya.paano nakatusok sa gulong, at isa pa maiksi lang ang kawit nilalagay sa pustiso. ibig sabihin hindi matibay ang gulong nya”
“Parang polido naman ang panggawa ng pustiso na yan since 1960s pa ata.yan ung antik na hinahanap ni lakay tiburcia.”
“Gulong pasalamat ka sa pustiso sapagkat di bumitaw pagkatapos kang butasan..di tulad ng iba dyan iiwan ka pagkatapos butasan……..”
“Sino kya gumawa ng pustiso na yan dpat doon kayo ppgawa kc ang tibay nyan”
“Baka made in China yong gulong & made in Japan naman yong pustiso.”
“Grabe nman tibay tlga imagine sasakyan na Ang nkadale sa knya talo nya pa Ang tire na brand new ibig svhin hnd pirated Ang pustiso hahaha wow saludo ako sa dentists na gumwa nya as tibay Ng materials na ginamit hahaha”
“next time gulong na gawa galing sa materyales ng pustiso…yan ang matibay na gulong
“Wala ng makain,di pa raw kasi dumadating ang ayuda.kaya gulong ang nilantakan.”
“Siguro sobrang galit niyan kasi may auto ka wala siya maisip pambutas kinagat niya, iwas inggit kasi dapat.”