Food delivery rider, pinagdamutan ng tubig sa isang fast food?

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang food delivery rider na umano’y pinagdamutan ng tubig ng isang fast food.

Sa video na ipinost ng delivery rider na si Jevey Yumang, makikita na galit na galit siyang sumugod sa counter ng isang sikat na fast food upang komprontahin ang isang kahera doon.

Base sa nasabing video, mahihinuha na mayroon nang nangyaring insidente bago pa man ang mga eksenang nakuhanan sa video.

Pero ayon sa post, “KFC SAN LAZARO TUBIG LANG HININGI KU SA KANILA PANG COSTUMER LANG DAW YUNG BASO NILA AKU PA YUNG REREPORT NILA EWAN KU LANG KUNG HINDI KAU MAG VIRAL SA UGALI NYO”

Dahil tila kulang nga ang nakuhanan ng video, may kahirapang husgahan kung sino nga ba ang totoong nagkamali.

Ngunit kung pagbabasehan ang galit ng delivery rider, mukhang may pinaghuhugutan naman ang kanyang galit.

Ang nakakapagtaka lamang, kahit na naroroon ang manager ng fast food store habang nangyayari ang pangungumpronta ng rider sa kahera, wala man lamang itong ginawa o sinabi.

Nanatili lamang na abala ang manager sa kanyang ginagawa.

Umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang nasabing post na naka-share sa Facebook page na Sirbisu Channel.

Narito ang ilan sa kanilang mga sinasabi.

“ang damot mo nman teh! tubig lang hinihingi nung tao customer pa din yan dhil sanyo umoorder ng mga dinideliver nila sa tao.ikaw kaya pagdamutan ng DYOS! dhil sa ginawa mo nakita ni LORD kung anong klaseng puso meron ka teh!”

“Di ko alam ang proseso ng food panda kung sila ba ang bumili ng pagkain ng customer or delivery lang yong kunin lng nila yong pagkain tapos ideliver. Either way directly or indirectly customer sila kc nagtake out sila ng pagkain so pwede sila iinom ng tubig on behalf sa actual customer na dideliveran ng food.”

“Hindi lahat pero Maraming Food Panda riders ang mayabang. Kung makapasok sa tindahan daig pa may ari kung umasta. Gusto unahin kahit may nauna. Kung pumarada walang konsiderasyon. 4 motorcycle 3 parking slots ang sinakop. Pwed naman sa likod ng 2 yung 2 para isang slot lang. Nakakapagod daw mag lipat. Susme”

“Dapat lang talaga maayos ang pakikitungo ninyo sa nga rider… unang-una costumer cla at nagbabayad din cla..”

“Pangalawa kapag natapat pa sila sa mga taong nanloloko ng order na hindi mga nagpapakita kapag idedeliver na cla mga rider mawawalan…katulad ng napapanood natin na kunwari may umorder tapos wala pala….jusku isang basong tubig lang…pwede ba maging makatao at magmahalan tayo ganito na nangyayari sa mundo natin…..”

“Kunting lamig ng ulo.kaibigan. parehas kau my trabaho respeto. Unawaan babae pati yan. Igalang kc lalaki tau. Knting atraso unwain. Ok”

“napakadamot mo miss tubig lang hinihingi ssyo ayaw mo magbigay pag kkaw pinagdamutan ng tadhana malilintikan ka ,ang sabi sa bible ang nauuhaw painumin,ang nagugutom pakainin.sa konting tubig nagdamot ka.tapos bastos ka pa umasta sa mga rider.”

“Madalas nila gawin yan di lng sa tubig dapat mag training muna kau bago kau magtrabaho sa fastfood tubig lng hinihingi di kpa nagbigay”

“Baba ng tingin ng crew kc grab rider Lang pag medyo desinte suot mo magalang cla mga crew kahit San fastfood ganyan nman tlaga Ang Pinoy kahit Ang Wala ka gaano pera Basta maganda Ang suot mo iigalang ka Nila yan Ang ugali ng Pinoy sa panlabas tumitingin”

Panoorin ang nasabing viral video dito at kayo na ang bahalang humusga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!