Kim Chiu, may pasabog na rebelasyon sa ‘It’s Showtime’

Mula sa pag-eere ng mga replay episodes sa nakalipas na halos dalawang linggo, live na live na ulit ang ‘It’s Showtime‘ ngayong araw, April 15.

Kapansin-pansin ang mas pinaigting na social distancing sa mga hosts.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Kung dati ay halos ilang talampakan lamang ang layo nila sa isa’t isa, ngayon ay halos dumoble na.

Halos sakop na nila ang buong stage at studio, at kapansin-pansin na talaga may naka-assign nang pwesto sa bawat isa sa kanila.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

At dahil matagal nga silang hindi nag-live, hindi rin nakapag-celebrate ng birthday si Vice Ganda sa show.

Kaya naman kanina, kahit nakalipas na, nagkaroon pa rin ng munting selebrasyon para sa kanyang kaarawan.

Isa-isang nagbigay ng mensahe para sa kanya ang mga kasamahan niyang hosts.

Nang si Kim Chiu na ang magbibigay ng mensahe ay naging emosyonal ito.

I just wanna say ‘thank you’ na tinanggap mo ko dito…

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Kasi may iba, hindi nila ko masyadong tanggap dito. 

Agad namang nag-react ang iba pang hosts at sinabing tanggap naman nilang lahat si Kim.

Kaya patawa na lang na sumagot si Kim at sinabing:

Wala na siya.

Agad ding dinugtungan ito ni Vice ng:

Wala naman na siya. Hayaan mo na.

Palaisipan tuloy sa madlang people kung sino ang tinutukoy ni Kim.

Matatandaang si Kim ang pinakabago sa pamilya ng ‘It’s Showtime’ mula nang maidagdag siya dito noong isang taon.

Hirit ng mga netizens, hindi kaya si Direk Bobet Vidanes ang tinutukoy ni Kim?

Si Direk Bobet ang dating direktor ng noontime show bago ito magdesisyong lumipat sa kapatat na programang ‘Lunch Out Loud’ sa TV5.

Ano sa palagay n’yo?

Narito ang video.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: