Netizen: “Today, I saw God.”

Today, I saw God.

Ito ang naging pahayag ng netizen na si Mandy Viray sa kanyang Facebook post na ngayon ay viral na sa social media.

Sa nasabing post, ikinuwento ni Mandy ang isang “precious encounter” na siya mismo ang nakasaksi.

Sa kwento niya, nasa Mercury Drug siya nang marinig niya ang pag-uusap ng isang phamacist at ng isang nanay na bumibili rin ng gamot gaya niya.

Nang sabihin ng pharmacist na PHP1,100 ang kabuuang halaga ng gamot ng babae ay nakiusap ito at inilabas ang isang supot na puno ng barya.

Pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? 200 lang pera ko pasensya na.

Sa kwento ni Mandy, biglang nagsalita ang isang lalaki sa tabi ng matanda at sinabi sa pharmacist na sagot na nito ang kulang sa pambili at ipinapabigay na lahat ng nasa reseta ng matanda.

Tuwang-tuwa raw na nagpasalamat ang babae sa lalaki.

At hindi malilimutan ni Mandy ang eksaktong sinabi ng lalaki sa matanda nang iabot na dito ang biniling gamot:

‘Nay, ‘di sa akin galing yan, sa Diyos ‘yan galing. Sa Diyos po tayo magpasalamat.

“Yes, I saw God today.,” dagdag pa ni Mandy sa kanyang post.

Dinagsa ng mga komento mula sa netizens ang nasabing post.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“This God’s servant is what our world needs right now.”

“Truly,…God sends his angels at the right time.”

“Praise God may mga mabubuti pa ang kalooban.”

“Bihirang bihira ka makakita ng ganyang tao sana lalo pa syang bigyan ng marAming biyaya at habaan ng buhay kung sino ka man walang makakatulad syo.”

“Khit san man tyo magpunta ang Diyos ating ksma,,lht ng kailngn ntin nkikita niya.”

“Kya mnlig magtiwla anu mang kakulangan sagot ngDiyos na may lalang,,,”

“Purihin ang Diyos at lagi pslamatan,”

“Amen 😇🙏☝ ewan ko ba pero nung nabasa ko to tumulo luha ko. Naalala ko na naman mamat papa ko n nsa langit na 😥💖”

“Ang galing ng pangenoon may mga tao syang ginagamit para maka tulong sa kapwa,,”

“Amen! The Lord is working in many diff. ways to bless someone who is in need… Hallelujah Jesus!”

“We always pray that .. d man kmi makatulong s mga taong nangangailangan .. may ggamitin ang Diyos para makatulong s mga tao lalo n s mga nasa lansangan”

“Nothing impossible with the LORD AMEN”

“God-sent si Kuya…it is a miracle”

“Amen. God is so good all the time”

“GOD IS SO GOOD EVERY TIME salamat sa mga taong my mabuting kalooban”

As of this writing, mayroon nang 139K shares ang nasabing post.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: