Kutsinta vendor na tinulungan ni Ivana Alawi, ibinida ang mga pagbabago sa buhay

Sa pamamagitan ng isang YouTube video, ipinagmalaki ni Tatay Joselito Martinez ang mga pagbabago sa kanyang buhay simula nang tulungan siya ng sikat na vlogger-actress na si Ivana Alawi.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay naging trending ang vlog ni Ivana kung saan siya nagpanggap na pulubi at sinubukang manghingi ng tulong sa mga tao sa kalsada.

Sa prank na ito, ang lahat ng nagbigay ng tulong sa kanya ay nakatanggap ng gantimpala sa oras na nagpakilala na siya. Ang bawat pisong ibinigay sa kanya ay tinumbasan niya ng isang libong piso.

Isa si Tatay Joselito sa mga tumulong kay Ivana kahit na naka-disguise ito bilang isang pulubi.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Nang lapitan siya ni Ivana habang naglalako ng kutsinta ay hindi siya nagdalawang-isip na mag-abot ng tulong dito.

Maliban sa ibinigay niyang bente pesos, binigyan pa niya ang aktres ng kutsinta at inalok na ibili ng maiinom.

Dahil sa kabaitan na ipinakita niya, ginantimpalaan siya ng aktres ng dalawampung libong piso.

Maliban dito, muli siyang ipinahanap ng aktres para maabutan pa ng karagdagang tulong.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Sa isang vlog nga ni Ivana ay nagbigay ito ng updates sa muli nilang pagkikita at naikwento na ipinamili niya si Tatay Joselito ng ilang kagamitan at binigyan ng bagong motorsiklo.

Samantala, pinasok na rin ni Tatay Joselito ang mundo ng vlogging sa YouTube.

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 26K subscribers.

Sa isang video nga kamakailan ay ikinwento niya ang ilang pagbabago sa kanyang buhay mula nang nagkrus ang landas nila ng sikat na vlogger.

PHOTO: YouTube | Joselito Martinez

Ipinagmalaki niya na nakalipat na sila ng apartment na tinitirhan.

Ibinida rin niya ang ilang kagamitan na bigay ni Ivana gaya ng telebisyon, refrigerator, at marami pang iba.

PHOTO: YouTube | Joselito Martinez

Sa ibang videos ay makikita rin ang ginawa niyang pagbabahagi rin ng tulong sa iba.

Bisitahin ang kanyang YouTube channel at mag-subscribe na rin dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: