Grocery store na libre ang lahat ng paninda, viral sa social media

Get everything here for free! Walang babayaran kahit piso.

Masayang ibinahagi ni Lovely Sotto sa kanyang Facebook account ang mga larawan kung saan makikita ang isang ‘grocery store’ na ang lahat ng paninda ay libre.

Sa kanyang post, ikinuwento rin niya ang naobserbahan mula sa mga pumupunta roon para ‘mamili.’

Nakakatuwa yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila “Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba.” Kahit hirap na sa buhay, iniisip parin nila yung kapwa.

 

PHOTO: Facebook | Lovely Sotto

Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun. Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun.

Kami po’y mga aliping walang kabuluhan lamang. Thanks be to God for the opportunity to serve Him. 💖 Nawa’y bigyan Niya pa ako ng buhay na makapaglingkod muli, loobin.

PHOTO: Facebook | Lovely Sotto

Si Lovely ay isang volunteer sa sa “free store” project na ito ng Ang Dating Daan sa Pamplona Tres, Las Piñas.

Mga pagkain kagaya ng bigas, kape, canned goods, instant noodles, at iba pa ang ‘tinda’ sa nasabing store.

Mayroon ding mga personal hygiene items kagaya ng sabon, face shield, at face mask.

Pati mga damit ay mayroon ding maaaring ‘mabili’ dito.

PHOTO: Facebook | Lovely Sotto

Sa nasabing Facebook post, ibinahagi ni Lovely ang larawan ng ilang mga residente ng Las Piñas na namimili ng mga grocery items na hindi na nila kailangan pang bayaran.

Sa dulo ng kanyang post, iniwan niya ang ilang detalye ng nasabing “free store.”

P.S. Ang Dating Daan Lokal po ng Pamplona Tres, Las Piñas po kami nakalocate. Meron din po sa location niyo! 😊 Di ko na po kasi kaya replyan lahat.  Open po para sa lahat ng mga nangangailangan.  For more details kung paano makakakuha ng libreng grocery at exact address ng pinakamalapit na branch sa inyo, visit this page po, MCGI Free Store or magtext po sa hotline.

Globe – 0977 674 0328
Smart – 0968 658 2190

If di po agad makaresponse, hintay-hintay lang po tayo. Tao lang din po yung operator. Awa’t tulong po, maaccommodate lahat ng texts po. 😊❤

Thanks be to God!

As of this writing ay mayroon nang halos 30K shares ang nasabing Facebook post.

Bisitahin dito ang nasabing post.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: