Usap-usapan ngayon ang isang Facebook post tungkol sa mga food delivery drivers na nabiktima ng modus na tinatawag na ‘fake booking.’
Ang ‘fake booking’ ay ang panloloko kung saan oorder ang customer sa food delivery ngunit peke ang pangalan at address na gagamitin.
Sa Facebook post ni SheMae Ilano kahapon, April 3, makikita ang larawan ng iba’t ibang food delivery riders at iba’t ibang pagkain na inorder ng customer na gumamit ng address ng kapitbahay niya.
PHOTO: Facebook | SheMae Ilano
Bagama’t tama ang address, wala naman umanong inorder ang mga taong nakatira doon.
Total of 20 na couriers at madami dito ay ang “Grab” ang pumunta sa address ng kapitbahay namin pero hindi sila umorder ng food at iba pa. Imagine 20 tao na may pamilya ang niloko ng isang tao na walang magawa sa buhay?! Itong tao na nakita namin worth of P4,500 ang order sa kanya hinang hina at natutulala si kuya sa ginawa ng tao na iyon. Nag tulong tulong kami magkakapitbahay na mabili mga food kase kawawa naman si kuya grab driver.
Mabuti na lamang daw at may mga mabubuting-loob na nagtulong-tulong upang bilhin na lang ang mga pagkain.
Hinarang ko ung pang 16 Mcdo Shake na Grab ang orders sa kanya na 30pcs naiyak na si kuya at nanginig kase matutunaw ung inumin buti me mabuting tao na kamg anak namin ang pinakyaw at pinamigay sa mga kapitbahay.
PHOTO: Facebook | SheMae Ilano
Malalaking halaga ng pagkain ang inorder ng nagpanggap na customer mula sa iba’t ibang food establishments.
Yung pang 17-20 na riders, worth of 5k na pizza, 5k worth of lechon meals, 5k worth of Popeyes Food. Grabe nanginginig na at umiyak na mga riders sa pangyayari. Pati ako di ko na kinaya sikip ng dibdib ko.
Buti may mga bumili na kamag anak ko at mga kapitbhay buong street na naawa sa mga riders.
Nai-report naman na raw sa Grab ang cellphone na ginamit sa ‘fake booking’ ngunit nagagawa pa rin nitong umorder dahil nagpapalit lamang ito ng number.
Ginagamit umano ng customer ang mga pangalang Perry Agustin, Mario Agustin, at Harold Agustin, at ang address ng kanyang kapitbahay.
Basahin dito ang kabuuan ng nasabing post.
PHOTO: Facebook | SheMae Ilano
Ngayong araw naman, April 4, patuloy pa rin ang pambibiktima ng nagpapanggap na customer na gumagamit ng nasabing address.
Ito ang kwento ni SheMae ngayon sa kanyang post.
Hoy tama na po! FoodPanda PH naman ngayon 5 na na deliveries iba address pero kamag anak naman ng kahapon
Maawa ka naman ganito oras nagsimula kahapon! 20 riders na nabiktima mo kahapon.
Bisitahin ang nasabing post dito.