Rudy Baldwin, trending topic sa social media dahil sa balita ng pagpanaw ni Claire Dela Fuente

Usap-usapan kahapon sa mga social media posts at comments ang kilalang psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ito ay kasunod ng balita ng pagpanaw ng sikat na OPM legend na si Claire Dela Fuente na nasawi kahapon ng umaga dahil sa cardiac arrest.

Napansin kasi ng ilang mga masusugid na followers ni Rudy ang isang post nito sa kanyang official Facebook page.

March 29 nang mag-post ito tungkol sa kanyang vision tungkol sa tatlong celebrities na maaaring pumanaw sa mga susunod na araw.

At kinabukasan nga lamang, napabalita na ang pagpanaw ng sikat na 1970s icon.

Bagama’t wala siyang binanggit na mga pangalan ay nag-iwan naman siya ng mga ’clues’ o pagkakakilanlan sa mga ito.

Una na rito ang batiking director na nakilala sa mga blockbuster movies na idinirek nito.

Pangalawa ang artistang babae na umano’y kinagigiliwan ng lahat.

At pangatlo ang artistang babae na kilala rin sa larangan ng musika, hosting, at pagganap sa mga pelikula.

Bagama’t kilala ang yumaong si Claire Dela Fuente sa larangan ng musika, hindi naman ito sumikat sa hosting at pelikula.

Sa kabila nito, sinasabi pa rin ng mga netizens na maaaring ang nasabing OPM icon nga ang tinutukoy ni Rudy sa kanyang Facebook post.

Dinagsa ang comment section ng nasabing post ng mga taong nagsasabi na nagkatotoo nga umano ang pangitain ni Rudy.

Maging sa Twitter ay marami ang nagsasabi ng parehong komento.

Marami-rami rin ang nagsasabi at naniniwala na may ilang mga hula na si Rudy na nagkatotoo noon.

Kabilang na dito ang ilang sakuna sa Cebu at ang biglaan g pagpanaw ng sikat na YouTube personality na si Lloyd Cadena.

Maging ang pagkamatay ng basketball legend na si Kobe Bryant ay sinasabing nakita niya sa isang pangitain.

Para sa mga naniniwala, babala lamang naman ang mga hula na kagaya ng kay Rudy.

Wala naman daw kasing makakapagsabi at makakapanghula ng mga eksaktong mangyayari sa ating buhay at sa ating paligid.

Kagaya rin ng sinabi ni Rudy sa kanyang post:

Ang mahalaga ay pahalagahan natin ang bawat oras ng buhay natin at magpasalamat sa Diyos sa bawat araw ng buhay natin. Huwag kalimutan ang manalangin palagi.

Para naman sa ilang hindi naniniwala, nagkataon lamang daw ang nasabing vision sa nangyari sa sikat na singer.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: