Pagpanaw ni Claire Dela Fuente, nahulaan ng psychic na si Rudy Baldwin?

Pumanaw na ang OPM icon na si Claire Dela Fuente sa edad na 63 ngayong umaga, March 30, dahil sa cardiac arrest.

Kinumpirma ito mismo ng mga kaanak nito kabilang na ang anak nitong si Gigo.

 

Ikinalungkot ng mga tagahanga ng OPM legend ang biglaang pagpanaw nito.

Si Claire ay sumikat noong late 1970s at nakilala sa jukebox hit na “Sayang.”

Binansagan rin siyang “Karen Carpenter of the Philippines” dahil sa pagkakahawig nila ng boses.

Kasabayan niya ang ilan rin sa mga OPM legends na sina Imelda Papin, Eva Eugenio, at ang namayapang Didith Reyes.

Samantala, ilang netizens ang agad nagkomento sa mga social media posts tungkol sa pagpanaw ng OPM icon.

Itinuturo nila ang isang Facebook post kahapon ng sikat na psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ayon sa kanila, tila nagkatotoo ang isa sa mga hula ni Rudy na ipinost nito sa Facebook kahapon lamang.

PHOTO: Rudy Baldwin

Ayon sa Facebook post ni Rudy, tatlong kilalang mga personalidad sa mundo ng showbiz ang nakikita niyang mamamaalam na sa mundo.

Una na rito ang isang batikang direktor na nakilala sa mga nagawa nitong pelikula na pumatok sa takilya.

ISANG LALAKING BETERAN NA DIRECTOR AT ANG KANYANG MGA NILIKHANG PELIKULA AY NAKILALA AT PUMATOK SA TAKILYA .ISANG MAGALING NA DIRECTOR ITO NA MINAMAHAL AT HINAHANGAAN NG BAWAT ARTISTA.

Pangalawa ang isang sikat na artistang babae na kinagigiliwan ng lahat.

ANG ISANG SIKAT NA ARTISTA AY BABAE .MATAWAG KUNG KAHIT SAAN MO SYA ILAGAY SA LARANGAN NG SHOWBIZ ITO AY KINAGILIWAN NG LAHAT AT MINSAN AY GINAGAMIT SA PAG TIKTOK NG IBANG MGA VLOGGER .MATAWAG KUNG SYA AY MAGALING NA ARTISTA SA KAPANAHUNAN NG KABATAAN NYA HANGGANG NGAYON.

At pangatlo ang isang artistang babae na magaling sa musika.

ISANG ARTISTA AY BABAE DIN ITO MAGALING SYA SA LARANGAN NG MUSIKA AT SYA AY GUMANAP DIN SA PELIKULA AT PAG HOST.LAHAT TAYO AY MAWAWALA SA MUNDO LAHAT NG BAGAY AYE HANGGANAN.

Screenshot: Facebook | Rudy Baldwin

At dahil sa pagpanaw ni Claire ngayong umaga, itinuturo ng mga netizens na maaaring ito ang tinutukoy ni Rudy sa nasabing Facebook post.

Ang sikat na OPM icon nga kaya ang nakita ni Rudy sa vision niya na papanaw na magaling sa larangan ng musika?

Ano sa palagay mo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: