Binansagang “Panda Girl,” hinangaan ng mga netizens

Umani ng paghanga mula sa mga netizens ang isang babae matapos itong magkwento tungkol sa kanyang trabaho.

Sa Facebook post ni Andrea Kate Mendoza, ibinahagi niya ang ilang larawan niya habang nakasakay sa isang motorsiklo bilang delivery rider ng isang sikat na food delivery service.

PHOTO: Facebook | Andrea Kate Mendoza
PHOTO: Facebook | Andrea Kate Mendoza

Sa caption ng nasabing post, ikinuwento niya na maliban sa pagiging delivery rider tuwing hapon, abala din siya sa iba pang mga gawain at responsibilidad sa buhay.

Ayon sa kanya, nagtitinda rin siya at nag-aalaga ng pamangkin sa umaga.

Abala rin siya sa pag-attend sa kanyang online class.

PHOTO: Facebook | Andrea Kate Mendoza

May mga nagtatanong rin daw sa kanya kung hindi siya nahihiya sa trabaho niya gayong babae pa naman siya at bata pa.

Hindi niya raw ikinakahiya ang trabahong ito.

Marangal naman po trabaho ko bakit po ako mahihiya.

PHOTO: Facebook | Andrea Kate Mendoza

Dahil dito, inulan ng papuri si Andrea mula sa mga netizens na sinaluduhan siya sa kanyang disposisyon sa buhay.

Ayon sa kanila, si Andrea ang patunay na hindi hadlang ang edad at kasarian upang maging masigasig sa pag-abot ng mga pangarap.

Bisitahin ang nasabing post dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: