Liza Soberano at Enrique Gil, engaged na?

Tahasang itinanggi ni Liza Soberano na engaged na sila ng long-time boyfriend na si Enrique Gil.

I’m sorry to burst your happy bubble but if I was engaged, I would be loud and proud. I wouldn’t hide it 😬❤️

Ito ang naging reply ng Kapamilya actress sa tweet ng isang fan na nagbanggit ng umano’y pagiging engaged ng dalawa at sa pagtawag nito kay Enrique bilang ‘fiancee’ ni Liza.

Matatandaang taong 2019 nang umamin silang dalawa tungkol sa kanilang relasyon na nagsimula pa noong 2014.

Iyon din ang taon kung saan inilunsad ang tambalang LizQuen sa pamamagitan ng ABS-CBN teleserye na “Forevermore.”

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Liza matapos siyang mag-tweet ng ilang katanungan at nararamdaman tungkol sa kalagayan ng ating bansa sa ngayon.

My heart bleeds for all the people who cannot afford not to go out and work. They literally have to choose between dying of starvation or dying of c*vid. Is our country really this poor to no be able to provide stimulus?? Genuine question lang po.

Naging sentro rin siya ng batikos ng ilang mga masugid na tagasuporta ng gobyerno dahil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: