Kakaibang istilo ng paniningil, kinaaliwan ng mga netizens

Kinaaliwan ng mga netizens ang kwento ng isang babae na tila nahihirapang maningil ng pautang kung kaya’t nakaisip ng kakaibang paraan para makasingil.

Sa Facebook post ni Nnayram Sanor, ibinahagi niya ang conversation nila ng taong may utang sa kanya.

PHOTO: Facebook | Nnayram Sanor

Sa unang bahagi ng chat ni Nnayram, makikita na hindi nagre-reply ang ka-chat na tinawag niyang “ate.”

Sunod-sunod ang mensaheng ipinadala niya ngunit tila walang balak mag-reply ang kausap niya.

Mag-iisang taon na po yung sabi mong katapusan lang.

At dahil tila wala talagang balak sumagot ang kausap, mapapansing tila inis na siya dito.

Sige ate seen mo lang po lahat ng chat ko.

PHOTO: Facebook | Nnayram Sanor

Pinadalhan niya ito ng larawan ng manika ng mangkuk*lam sa tabi ng isang itim na kandilang may sindi.

Mukhang epektib naman dahil dito na nag-reply ang kausap niya.

Baka sakali lang pong maisipan mong magbayad. Matatapos na lang yung taon. Pag sinisingil ka di ka na mahagilap.

Dito na siya tinanong ng kausap kung may balak ba siyang ipak*lam ito.

PHOTO: Facebook | Nnayram Sanor

Dito na siya tila nanumbat sa kausap na inabot na ng isang taon ang pangakong pagbabayad ng utang.

Nung nakaraan lang panay gala ka te pa strbucks strbucks ka pa pero yung utang mo di mo maalala tas pag siningil ka galit ka pa.

Baka yan na lang ang paraan.

Ang tinutukoy niyang paraan ay ang nasa larawan na manika ng mangkuk*lam at itim na kandila.

Mukhang umepekto naman at maayos na itong nakipag-usap sa kanya at nagsabi pang babayaran na siya.

PHOTO: Facebook | Nnayram Sanor

Ipinost niya ito sa Facebook at sinamahan ng tanong.

Kailangan ba ganito pa gawin ko para magparamdam lang kayo sa’kin?

Bisitahin ang nasabing post dito.

Ikaw, aabot ka din ba sa ganitong istilo ng paniningil ng pautang?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: