Albie Casiño, nakipagsagutan sa mga tumuligsa sa kaniyang Instagram post

Hindi inurungan ni Albie Casiño ang mga tumutuligsa sa kaniyang latest Instagram post.

Sa kaniyang Instagram, nag-post siya ng isang larawan niya at nilagyan ng caption na (published as is):

My face when they said ecq season 2. Congrats to everyone who voted nung 2016 sana natutuwa kayo ngayon😂 vote wisely sa 2022 #ecq #halalan2022

Pinuna ni Albie ang mga bumoto sa mga nahalal sa posisyon noong 2016 matapos ianunsiyo ng pamahalaan na muling sasailalim ang ilang lugar sa bansa sa tinatatawag na Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Simula March 29 hanggang April 4 ay muling ipapatupad ang nasabing paghihigpit upang mapigilan ang tuluyang pagtaas ng mga kaso ng C0VlD-19 sa bansa.

Kabilang sa mga lugar na ito ang tinatawag na NCR+ na kasama ang buong National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Matatandaang March 2020 nang unang ipatupad ito sa Luzon at matapos ang isang taon ay tila patuloy pa rin sa pagtaas ang bilang ng mga kaso.

Maraming followers at kaibigan ni Albie ang agad na nagkomento at sumang-ayon sa kaniyang post.

Ngunit dumagsa rin sa comment section ng nasabing post ang ilang kumontra agad sa sinabi ng aktor.

Ang ilan ay masyado nang ‘below the belt’ ang comment ngunit hindi nagpatinag si Albie.

Sinagot niya ang ilan sa mga comments at tila lalo pang nang-asar.

Narito ang ilan sa mga komento at sagot ng aktor.

 

Base sa karamihan ng negatibong mga komento, masasabing ang mga pumupuna sa aktor ay mga masugid na tagasuporta ng pamahalaan.

Ganito kasi ang kadalasang lohika ng mga ito sa pagsagot.

Ang ilang komento rin ay lumihis na sa issue at imbis na magbato ng argumento base sa komento ni Albie ay personal na atake na ang ginawa.

May nagsabi pang wala namang proyekto sa ngayon ang aktor kaya napagtuunan ng pansin ang pamahalaan.

May ilan ding ipinagtanggol ang pamahalaan at sinabing hindi naman kasalanan ng gobyerno ang nangyayari ngayon sa bansa.

Hindi rin ito pinalampas ni Albie at tinawag na DDS (Die-hard Duterte Supporter) ang nagkomento.

Naungkat din sa comment section ang lumang issue na kinasangkutan ni Albie — ang umano’y pagiging ama ng ipinabubuntis ni Andi Eigenmann.

Nalinaw naman ang issue na ito noon at napatunayang walang tinakbuhang responsibilidad ang aktor dahil hindi naman siya ang nakabuntis sa aktres.

Isang follower ang nagsaad ng pasasalamat sa aktor dahil hindi siya “bulag at pipi” at hindi rin natatakot na magpahayag ng saloobin tungkol sa pamahalaan.

Sinagot naman ito ni Albie:

Why would I be scared of bashers? Not a single person talking shit here is doing better than me in life. They hate in my comments all they want but at the end of the day I’m winning and they’re not.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!