Aktong panghahablot ng cellphone, huli sa video

Trending sa Facebook ang isang video kung saan nakuhanan ang panghahablot ng isang cellphone ng snatcher na nakasakay sa motorsiklo.

Kasalukuyang nagvi-video ang may-ari ng cellphone at naka-Facebook Live ito nang biglang hablutin ng nakasalubong na mga lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo.

At dahil dito, nakuhanan at nai-record sa video ang buong pangyayari.

Screenshot: Facebook | Johnpaul Confreros

As of this writing, mayroon nang 1.3 million views at 71K shares ang nasabing video ni Johnpaul Confreros.

Sa simula ng video ay makikitang masaya si Johnpaul habang nagkukuwento sa kaniyang Facebook Live.

Ipinagmalaki pa niya ang bitbit na bigas, corned beef, at itlog para sa ‘food trip’ nila ng kaniyang mga kabarkada.

Andito ko sa may Robinsons, mananapak lang saka kakain.

Screenshot: Facebook | Johnpaul Confreros

Patuloy lamang siya sa pagkukuwento habang naglalakad at ipinapakita rin niya ang kaniyang paligid.

Natutukan pa nga ng camera ang makakasalubong niyang dalawang lalaki na magkaangkas sa motor.

Wala siyang kamalay-malay na may masama palang binabalak ang mga ito.

Screenshot: Facebook | Johnpaul Confreros

Nakuhanan rin sa video ang sumunod na nangyari.

Biglaan ang naging paghablot ng nakaangkas na lalaki sa hawak-hawak niyang cellphone.

Tila hindi naman mahigpit ang pagkakahawak ni Johnpaul sa kaniyang cellphone kaya walang kahirap-hirap na nahablot ito sa kaniya ng snatcher.

Screenshot: Facebook | Johnpaul Confreros

Wala na ring nagawa si Johnpaul laban sa mga snatcher dahil nakasakay ang mga ito sa motor samantalang siya ay naglalakd lang.

Kahit napasakamay na ng snatcher ang cellphone ay patuloy pa rin sa pagre-record ang camera at patuloy pa rin itong napapanood sa Facebook Live.

Maririnig pa nga ang ingay sa paligid at ang sandaling pag-uusap ng mga lalaki.

Sa bandang dulo ng video ay maaaninag pa ang mukha ng snatcher dahil sinilip nito ang screen ng cellphone at nang mapansin siguro na naka-on ang camera nito ay mabilis ding ini-off ito.

Bago tuluyang tumigil ang Facebook Live ay maririnig pa na nagreklamo ang snatcher na basag ang screen ng cellphone na nahablot nito.

Screenshot: Facebook | Johnpaul Confreros

Nawa’y maging aral at paalala ito sa lahat na gawing doble ang pag-iingat lalo na kapag tayo ay nasa labas.

Panoorin ang viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: