Anne Curtis, ‘pinakasikat’ na Filipino celebrity sa Twitter

Hindi na nga maikakaila na si Anne Curtis ang maituturing na pinakasikat na Filipino celebrity sa Twitter.

Ito ay matapos siyang makakuha ng 14 million followers sa nasabing micro-blogging site.

Ito ang ibinahagi mismo ni Anne sa kaniyang mga followers sa Twitter bilang pasasalamat sa kaniyang mga supporters.

Thank you My Tweethearts!

Ilang taon na ring nananatiling isa sa most followed Filipino celebrities si Anne sa Twitter kasama sina Vice Ganda, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

At ngayong taon nga, siya ang kauna-unahang Filino celebrity na nagkaroon ng 14 million followers.

PHOTO: Instagram | Anne Curtis

Maging sa Instagram ay hitik sa followers ang Kapamilya actress.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 16.5 milion followers.

Maging ang kaniyang official Facebook page ay mayroon na ring mahigit 18 million followers.

PHOTO: Instagram | Anne Curtis

Kasalukuyan pa ring naka-leave sa hosting duties niya sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” si Anne upang tutukan ang pag-aalaga sa kanilang anak ni Erwan Heussaff na si Dahlia.

Kaya naman sa mga social media posts muna ng actress-TV host nakikibalita ang kaniyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: