Kinoronahan sa katatapos na Miss Grand International 2020 na ginanap sa Bangkok, Thailand si Miss USA Abena Appiah.
Kinaaliwan ng mga beauty pageant enthusiasts si Miss USA dahil patok ang pagsasalita nito ng Thai sa ilang rounds ng ‘question and answer’ ng nasabing patimpalak.
Ngunit para sa karamihan ng Pinoy beauty pageant fans, pamilyar na mukha na si Abena dahil siya rin ang naging kinatawan ng bansang Ghana sa Miss Earth 2019 na ginanap noon sa Pilipinas.
Dual citizen kasi si Abena sa bansang Ghana at USA kaya nagawa niyang irepresenta ang dalawang bansa sa magkaibang international beauty pageant.
Sa pagkapanalo niya sa Miss Grand International, muling binalikan ng ilang Pinoy fans ang ilang lumang videos niya noong lumaban siya bilang Miss Ghana.
Kabilang dito ang isang interview sa kaniya ni ABS-CBN reporter Mario Dumaual kung saan sinubukan din niya magsalita ng Tagalog.
Ayon sa kaniyang kasabihan:
Ang batang malakas kumain ay laging may GHANA!
Muling lumutang ang nasabing video sa Twitter na ngayon ay mayroon nang 210K views.
Miss USA represented Miss Ghana sa Miss Earth pala and she said this: pic.twitter.com/szsVEno2Vl
— Joshhh (@_joooshhhh) March 27, 2021
Sa isang ‘question and answer’ din, muli niyang ginamit ang comedy skills na ito nang sabihin niyang:
Gumamit ng tabo, timba, at palang-GHANA!
Dahil dito, sobrang tumatak siya sa mga tagahangang Pinoy.