Pero bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko?
Ito marahil ang naging reaction ng isang online seller matapos makatanggap ng kakaibang reklamo mula sa isa sa kaniyang mga customers.
Sa Facebook post ni Jace Sarmiento, ibinahagi niya ang screenshots ng conversation nila ng isang online buyer.
Dahil binigyan si Jace ni buyer ng 3-star rating, nag-chat siya dito upang malaman kung nagkaroon ng problema sa product na binili ng buyer.
Sa reply ni buyer, sinabi nitong wala naman itong naging problema sa product.
Ang sabi pa nito (published as is):
Ok naman products kaya 3 star kasi disapointment yan- March 19 lang ako nag order pero March 20 dumating. Sana sabihan nyo yung taga deliver nyo na wag naman agad agad kasi pano pda kung wala ko pambayad nung araw na yon? Kea nga lazada nag order kc ineespect na 3 to 5days bago dadating pero kinabukasan nadala agad. Di ako nakapag iwan ng pera sa bahay. Abala sa mga kasama ko sa bahay dahil biglaan nagdeliver.
Sa halip na ikatuwa ng customer, ang mabilisang delivery ng order pa nito ang naging sanhi ng disappointment kaya binigyan ng 3-star rating ang online sore.
Sa kabila nito, nanghingi pa ng paumanhin ang seller at matiyagang nagpaliwanag na pwede namang mai-track sa app ang status ng delivery ng order.
Ngunit tila hindi pa rin natuwa ang buyer at sinisi nito ang seller dahil sa mabilis na delivery ng item.
Dagdag pa nito, matagal na raw siyang umoorder sa Lazada at nakasanayan na niya ang 3-5 days na delivery kaya ikinagulat niya ang nagyari.
Muling nagpaliwanag ang seller at nagpayo ito na maaari namang mag-message ang buyer kung ayaw pa nitong ipa-ship out ang order para maiwasan ang inirereklamo ng buyer.
Sinabi ng buyer na nag-email na ito sa Lazada upang magreklamo.
nakapag send na ko email ng reklamo sa lazada. Fouled talaga ang ginawa nyo. Wala kami kaalam dam at nagulat nalang mga kasama ko sa bahay na may deliver. I araw lang nadeliver agad ang item eh dapat pag lazada 3 o 5 araw yan kasi iniisip ng lazada ang customer kung may budget ba o wala. Alam ng lazada at nagbibigay cla allowance lpara mapapaghandaan ang pambayad. kayo masyado kayo excited magpadala?
Masyado kayo atat sa kita.
Tinawag pa ng buyer na mapangmata si seller dahil sa nangyari.
Sa pinakahuling post ni Jace, nagpaliwanag siya at sinagot ang ilang sa mga tanong ng karamihan.
Good morning po sa lahat. Di ko po inasahan na magttrending online yung original post ko at magkakaroon ng 6800+ shares. A famous fb page who screen grabbed my post has now a reach of 21k shares and 100k reactions as of the moment. Dami din kasing facebook pages na nag screengrab ng convo namin ni buyer at shinare sa kani-kanilang pages. I also received tons of messages at marami nagtatanong. Sorry po kung pinili ko hindi mag reply sa inyo since personal fb po ang gamit ko at gusto ko din ng katahimikan. Gathered most of your questions and here’s my answer…
Marami raw ang nanghihingi ng identity ng buyer pero mas pinili niyang huwag ibigay ito.
Dami nanghihingi ng identity ni buyer especially mga kapwa ko seller para daw ma avoid nila ang buyer na to – Sorry po pero kahit pasaway si buyer, ayoko din namang makaladkad ang pangalan nya. Nananahimik ako baka mamaya ako pa makasuhan ng cyber-bullying. Bilang isang Lazada Seller, your shipping information is safe with me. Di ko para i-leak kanino man regardless kung ok ba kayong customer o hindi. I respect every buyer’s privacy kaya ang info ng buyers ko ay di ko po ipinapamigay.
Dahil sa naging trending topic ang kakaibang experience niyang ito sa isang customer, maraming netizens tuloy ang na-curious sa online shop ni Jace.
Ano daw link ng Lazada shop ko? Since trending ang post, dami nagtatanong at gusto umorder para maranasan daw nila yung “1 day shipping” – Guys, depende po yan sa location at syempre depende kung maipack namin kaagad ang order nyo. Nagkataon lang na hindi queueing… Kakaunti orders that day kaya mabilis namin naiprepare at naipadala ang order nung buyer. Nagkataon lang din na taga Cavite din sya at 2 cities away lang mula sa amin kaya hindi natengga sa hub ang item nya at nadeliver agad ng LEX courier.
May mga nag-alok na din daw ng legal help pero nilinaw niya na wala naman siyang balak na magsampa ng kaso laban sa nasabing customer.
May mga nag ooffer sa akin ng legal help. – Di ko alam kung abogado ba sila o ano pero wala po ako balak magkaso o gumawa ng mga legal na hakbang… Shinare ko lang po ang convo namin ng buyer kasi out of hundreds transactions, ngayon lang ako nakaranas ng buyer na nagagalit kc mabilis napadeliver ang kanyang order. Kakaiba masyado kaya ko po nashare. Not knowing na magttrending sya at irerepost din ng ibang fb pages.
Kinontak na rin daw siya ng isang sikat na radio program pero tinanggihan na niya ang iniaalok na tulong ng mga ito.
Hindi ko naman itinuturing na big deal ito. Sadyang nag trending lang. The buyer already accepted and rated the products. According to him, he even emailed Lazada so let Lazada handle the case or resolve it kung meron pang ibang issues o problemang kailangan i-settle.
Ipinaliwanag din niya ang panig niya para sa mga hindi natuwa at nagalit sa pagpo-post niya tungkol sa insidente.
FYI, di po ako pumatol. I tried to compose myself all the time. Kung kilala mo ako personally, for sure alam mong may pagka warfreak ako pero ginawa ko po ang best ko na maging polite pa din. Panay nga po pa-Thank you ko at sorry kung nabasa nyo po talaga ang convo namin. I also gave him an advice na makakatulong sa kanyang online shopping.
Dagdag pa niya:
Since kumalat din ang shop links namin, some people are asking me on Lazada even on shopee kung ano daw yung product na nagtrending at oorder din daw sila nun. – yung convo po namin ni buyer ang nagtrending hindi po yung products hehehe. Kung tinatanong nyo po kung ano ang inorder ni pasaway na buyer, gaya ng sinabi ko sa item number 2, i do respect buyer’s privacy…. As a Lazada seller, we are not allowed to leak buyer’s information. Its a commitment.
Ano ang masasabi n’yo tungkol dito?