Online seller, ni-raid ng NBI habang naka-live sa Facebook

Usap-usapan ngayon sa mga online selling groups sa Facebook ang nangyaring pangre-raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang online seller habang ito ay kasalukuyang naka-live sa Facebook.

Kitang-kita sa video na ongoing ang live selling session ng Facebook page na Direk Paul’s Classroom nang dumating ang mga kawani ng NBI.

Ginawa ang raid dahil sa mga reklamo ng pagbebenta ng umano’y mga peke at overpriced ng mga designer bags.

Ibinebenta umano ang mga bag sa halagang PHP12,000 hanggang PHP80,000 kahit na mga peke naman umano ang mga ito.

Dahil sa paglabas ng balita tungkol sa nangyaring raid, nagsilabasan din sa Facebook ang umano’y mga reklamo ng ilang naging customer ng nasabing online seller.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Dovie Mayores screenshots ng conversation sa pagitan ng isang nagrereklamong customer at ng FB page na Direk Paul’s Classroom.

PHOTO: Facebook | Dovie Mayores
PHOTO: Facebook | Dovie Mayores

Narito ang ilan pang Facebook posts na may kinalaman sa balitang ito.

As of this writing, wala pang opisyal na pahayag mula sa Facebook page ng nasabing online seller.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: