Tricycle driver, nagpatay-patayan matapos makabangga

Huli sa camera ang insidente ng banggaan ng isang tricycle at motorsiklo na ngayon ay pinagpipiyestahan ng mga netizens sa social media.

Sa CCTV footage na ini-upload ng Facebook page na Philippines CCTV & DASH CAM Spotted, kitang-kita ang detalye ng nasabing insidente.

Makikita sa video na nagbagal ng takbo ang motorsiklo na nasa harapan dahil sa lubak sa kalsada na dinadaanan.

Ang tricycle naman na kasunod nito ay mabilis pa rin ang takbo kung kaya’t hindi na ito nakapagpreno agad at nabangga na ang motorsiklo na nasa harapan nito.

Matapos makitang nakahandusay na sa kalsada ang motorsiklo at ang driver nito, bigla na lang umano nagpanggap ang tricycle driver na nasaktan at nawalan ng malay.

At dahil may ebidensiyang CCTV footage, natawa na lang ang mga netizens sa nasaksihan.

NArito ang ilan sa kanilang mga komento.

As of this writing, mayroon nang 185K views at 2K shares ang nasabing video.

Screenshot: Facebook | Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Bisitahin dito ang nasabing Facebook post.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: