Claudine Barretto, may panibagong banat kay Raymart Santiago

Idinaan ni Claudine Barretto sa isang Instagram post ang kaniyang patutsada para sa dating asawa na si Raymart Santiago.

Real dads support their children without the law telling them they have to.

Ito ang mensaheng nakasulat sa isang photo quote na ini-upload ng aktres.

Sa caption naman ng nasabing post ay direkta niyang binanggit ang aktor at sinabihang matutong lumaban nang patas kahit minsan.

This is for you raymartsantiago fight fair for once in your life.

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang magsampa ng kaso si Claudine kaugnay ng hindi umano pagbibigay ni Raymart ng sustento sa kanilang mga anak.

Napagkasunduan na magbibigay ng PHP100,000 kada buwan ang aktor bilang sustento sa kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.

Ito umano ang hindi nasusunod ni Raymart, bagay na ikinakagalit ni Claudine.

Sa interview ng aktres sa entertainment website na PEP.ph noong December 2020, isiniwalat niya na dalawang taon nang hindi nagbibigay ng sustento ang aktor.

Nilinaw din niya na hindi siya ang nagtakda ng halaga ng sustento kundi ang korte.

Hindi ho ako ang nagsabi na magbigay siya ng PHP100,000 kundi po iyong judge namin.

Kasi, tinitingnan nila iyong background ng mga bata, di ba? He’s supposed to give PHP100,000 a month which is tama lang. Kasi magkano ba siya per taping? Eighty thousand?

So, ano ba iyong mabigay mo iyong dalawang taping mo sa dalawang mga anak mo.

Matatandaang kamakailan lang ay nasabi ni Claudine sa isang interview na tila hindi magandang impluwensiya sa dating asawa ang napapabalitang kasintahan nito ngayon na si Jodi Sta. Maria.

Mula raw kasi nang magkaroon ng relasyon ang dalawa ay nakalimutan na ng aktor ang mga obligasyon nito sa mga anak nila.

Nanatili namang tahimik ang dalawa kaugnay ng isyung ito.

Wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanila tungkol sa napapabalitang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: