We are assuring the riding public that matters have been taken to prevent a repeat of that unfortunate incident and that the personnel involved are now facing disciplinary action.
Ito ang naging pahayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaugnay ng nag-viral na video kung saan nakuhanan ang MRT personnel na nagmamadaling mag-disinfect ng loob ng tren.
Ini-upload ng Facebook user na si Kim Justine Obrado ang video na nakuhanan niya at nilagyan ng captio na, “Disinfectionism what?”
Agad itong dinagsa ng komento lalo na ng mga commuters na nangangamba sa kanilang kaligtasan sa pagsakay sa tren ng MRT.
As of writing, mayroon na itong 23K shares at libo-libong comments.
Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens.
Maging sa Twitter ay naging sentro ng talakayan ang nasabing video.
Karamihan sa mga netizens ay kinuha ang atensiyon ng pamunuan ng MRT para aksyunan ang insidente sa video.
Narito ang ilang reaction sa Twitter.
Ano ang masasabi mo tungkol dito?