Angel Locsin, tinawag na pambukid ang byuti; netizens, umalma

Tinawag ng isang tabloid na ‘pambukid na lang ang byuti’ ng Kapamilya actress-host na si Angel Locsin.

Sa isang post sa Facebook page ng tabloid na Bulgar, tinukoy din na ang pagtaba ng aktres ang dahilan kaya nawalan umano ito ng mga endorsements.

Screenshot: Facebook | Bulgar

Matatandaang ilang beses nang naging sentro ng ‘body shaming’ ang aktres dahil sa kapansin-pansin na pagbabago ng kaniyang katawan.

Tila kinasanayan na ng publiko ang imahe ni Angel bilang ang Pinoy superhero na si Darna na kilala sa sexy costume nito.

Ito marahil ang isang dahilan kung bakit agad napansin ng madla ang pagbabago sa katawan ng aktres.

Ayon sa mga tagahanga ni Angel, hindi pa rin naman ito sapat na dahilan para magsalita ng hindi maganda tungkol sa aktres lalo na’t hindi naman alam ng publiko kung ano ang tunay na dahilan sa pagbabago ng katawan nito.

Ang ilan ay nagsasabing ito ay marahil sa iniinom nitong gamot para sa kaniyang likod.

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang larawang ito ni Angel na umani rin ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

At sa nasabing post naman ng Bulgar, muling umalma ang mga tagahanga at tagasuporta ng aktres.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

3 thoughts on “Angel Locsin, tinawag na pambukid ang byuti; netizens, umalma

  1. Wala naman masama kung naging magbubukid ang dating sikat at magaling Na actress! Tumaba man sya dahil Happy sya Sa mga ginagawa nya sa ngayun pandemic eh ! At least marangal naman trabaho o negosyo ang magtanim ka man ng palayasin o gulay walang masama dun Sa ginagawa ni Angel marangal Na trabaho naman , at wala syang ginagawa sa tao para sya husgahan ng kung ano ano panglait at maghusga Sa sikat na artista padin sya maganda padin kahit Na tumaba sya . Utleast wala syang sakit nakakahawa para sya husgahan o pagtawanan ! Tao nga naman kung makahusga kalamo sila ay perfect Na ! Manalangin muna kayu at tignan nyo rin ang sarili nyo kung si ganda kayu ni Angel locsin ! Masama ang nanghuhusga ng Tao kung wala naman ginagwa ng masama sa inyo ! Bigyan nyo sya ng chance Na maka balik sa dati sexy madaling gawin naman un ng Tao eh!Go go go & fight fight fight Angel locsin .

  2. Kng Talagang tunay ka na taga hanga at tunay ka n nag mahal sa iyong hinahangaan kahit anu pa ang pagbabago sa katawan niya hindi ka matitinag sa mga pani Ira na iba Dyan,, anu nman kng tumaba si idol Angel Locsin at least maganda pa rin ang mukha niya at maganda p rin ang ugali,, wag nman subrang manghusga sa kapwa,, at marangal nman din ang trabaho bilang mangbubukid

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!