Bea Alonzo at Dominic Roque, may pinapatamaan sa social media posts?

Naging mabilis ang mga netizens sa pagbibigay-kulay at interpretasyon sa social media posts nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Matatandaang ilang beses nang naging usap-usapan ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa subalit wala pa ring kumpirmasyon na nanggagaling mula sa kanila.

Samantala, kamakailan lang ay umamin na sa publiko sina Gerald Anderson at Julia Barretto tungkol sa matagal nang napapabalitang itinatagong relasyon.

Si Gerald ay dating boyfriend ni Bea na umano ay nang-“ghost” sa kaniya.

Ayon sa kwento ni Bea ilang buwan na rin ang nakalilipas, walang formal break-up ang dalawa at bigla na lamang di nagparamdam at di na siya kinausap ng dating kasintahan.

Umugong din noong ang usap-usapan na si Julia raw ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Agad naman itong itinanggi noon ni Julia.

PHOTO: Instagram | Julia Barretto

Sa pag-amin nina Gerald at Julia kamakailan, naging palaisipan tuloy sa mga nakasubaybay sa lovelife nila kung nagpang-abot ba sina Bea at Julia sa buhay ni Gerald.

Sa pag-amin ni Gerald, hindi naman naging malinaw kung kailan sila nagsimulang magkamabutihan ni Julia. Ngunit itinanggi rin ng aktor ang ang panggo-“ghost” umano nito kay Bea.

Ito marahil ang pinaghuhugutan ng mga netizens kung kaya’t nabigyan nila ng ibang interpretasyon ang Instagram post ni Bea na may caption na:

Have the confidence to shake off bad vibes without worrying about dandruff.

Ayon sa ilang netizens, si Gerald daw marahil ang “dandruff” na tinutukoy ng aktres.

Napansin din kasi ng ilan na karamihan sa mga naging girlfriend ng aktor ay pawang mga model ng mga kilalang brands ng shampoo.

Kabilang dito sina Kim Chiu, Maja Salvador, Sarah Geronimo, Bea, at si Julia.

Screenshot: Instagram | Bea Alonzo

Samantala, pati ang post ni Dominic sa Lyka ay binibigyang-kahulugan ng mga netizens.

Nag-post kasi ang aktor ng larawan niya habang may hawak na ahas na nakapulupot sa leeg niya.

May simpleng caption ito na, “Aguy.”

Ang tanong ng mga netizens, may pinapatungkulan daw ba ang ahas na nasa post nito?

Screenshot: Lyka | Dominic Roque

Ikaw, anong opinyon mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!