Litrato nina Kim Chiu at Julia Barretto, bakit nag-trending?

Pinagkakatuwaan ngayon sa social media ang isang lumang larawan nina Kim Chiu at Julia Barretto.

Ang nasabing litrato ay kuha pa noong 2019 sa ABS-CBN All-Star Games.

Makikita sa larawan na nakasuot ng magkaibang kulay ng uniporme ang dalawa: red uniform kay Kim at blue uniform kay Julia.

Habang tila may kausap na iba si Julia ay nakatuon naman ang atensiyon ni Kim dito.

Muling lumutang ang nasabing larawan matapos umamin nina Gerald Anderson at Julia sa kanilang relasyon.

Matatandaan na matagal ding nagkaroon ng relasyon sina Kim at Gerald na unang nakilala sa kanilang loveteam matapos parehong maging housemates sa Pinoy Big Brother.

NArito ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng mga netizens tungkol sa nasabing larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!