SB19’s “What?” music video, humakot agad ng million views sa YouTube

We’re too grateful to all of you for supporting our music. To our A’TIN, thank you so much for being with us until now. We love you.

Ito ang naging pagpapasalamat ng P-Pop group na SB19 sa kanilang mga tagahanga matapos humakot ng million views ang kanilang latest music video.

Matapos lamang ang 24 oras mula nang ma-upload ang music video ng “What?” ay nagkaroon na ito ng 1.4 million views.

Nag-trending din sa Twitter ang “#SB19WhatMV1Million” at “STREAM SB19WHAT,” patunay na pinag-usapan talaga sa social media ang kanilang latest release.

Ayon pa sa official Facebook page ng grupo, humakot agad ng 500,000 views ang nasabing music video sa loob lamang ng 3 oras pagka-release nito.

Samantala, na-postpone ang naka-schedule na virtual launch ng music video na nakatakda sana noong March 9 dahil kasalukuyan na naka-self quarantine ang grupo. Ito ay matapos na ma-expose sila sa isang COVID-19 positive.

Ang SB19 ay kinabibilangan nina Pablo, Stell, Ken, Justin, at Josh.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!