GMA-7 reporter, nag-walk out sa tanong ni Arnold Clavio?

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang video clip na kuha mula sa morning show ng GMA-7 na Unang Hirit.

Makikita sa nasabing video ang GMA-7 reporter na si Bam Alegre na nag-uulat mula sa San Juan City.

Screenshot: GMA-7 | Unang Hirit

Sa video na pinagpapasa-pasahan na ngayon sa social media, tila patapos na ang ang pagre-report si Bam at nakapag-wrap up na ito ng kaniyang report.

Ngunit may pahabol pang hirit si Arnold Clavio o Igan:

”Bam, makakadalo ba si Mayor Zamora ganong na-COVID-19 din ito?”

Sa puntong ito na makikita ang reporter na si Bam na naglakad palayo at naiwan na lamang si Igan na naghihintay ng kasagutan.

Screenshot: GMA-7 | Unang Hirit

Sumunod na ipinakita sa screen ang co-host ni Igan na si Susan Enriquez na napatakip ng palad sa bibig bilang reaksiyon sa nangyari.

Screenshot: GMA-7 | Unang Hirit

Hindi pa malinaw kung intensyonal nga ba ang hindi pagpansin ni Bam sa tanong ni Igan.

May mga nagsasabi kasi na maaaring hindi na narinig ni Bam ang tanong ni Igan dahil nakapag-wrap up na ito ng report. Marahil ay inakala nito na tapos na kaya naglakad na siya palayo sa frame ng camera.

May ilan namang nagkomento at nagsabing ‘obvious’ at ‘common sense’ lang naman daw ang sagot sa tanong ni Igan dahil paano nga namang makakadalo si Mayor Zamora kung mayroon nga itong COVID sa kasalukuyan?

Ano sa tingin mo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!