Geneva Cruz, rumesbak sa pintaserong bashers

Hindi pinalampas ni Geneva Cruz ang ilan sa mga netizens na nag-iwan ng mga bastos na comments sa kaniyang Instagram post.

Sa litrato na ipinost niya kahapon, lutang ang kaniyang kaseksihan sa suot na swimsuit.

Agad itong umani ng mga papuri at paghanga mula sa kaniyang followers dahil halatang naalagaan niya ang pangangatawan kahit na siya ay 44 years old na sa ngayon.

Isang basher ang sumingit sa mga komento at nagsabing, “Ang itim ng singit.”

Sinagot ito ni Geneva:

It’s called ‘shadow.’ Pasensya ka na, I forgot to photoshop it for your delight; I’m just a single mother of two, and the groin area that you are making fun of is connected to the organ where my two children came out, and although that had happened twice to this body; it is stronger and more beautiful than ever. I feel sorry for your mother because she raised a prick. Take care.

Screenshot: Instagram | Geneva Cruz

Ngunit hindi lang iyon ang basher na naligaw sa comment section.

Mayroon pang isa na tila nang-aasar din at nagsabing, “What is up with the black color in the middle is that pubes or just dark? Looks like a thick pubes.

Tila nasa mood sa pagsagot sa mga negatibong comment ang singer-actress kaya sinagot niya rin ito:

I have no idea what you’re saying, but I think it’s called #IDGAF what you’re imagining. Hope your gaudy sense of humor makes you pretty.

Screenshot: Instagram | Geneva Cruz

Hindi lang ang swimsuit na suot niya ang napansin ng mga bashers.

Pati ang dibdib niya ay tila napagdiskitahan ng mga ito.

May isa na nagtanong kung totoo raw ba ang kaniyang mga “boobies.”

Ang sagot niya:

No, I got them for Php999 just like my Smokey shirt.

Screenshot: Instagram | Geneva Cruz

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!