‘Kilay is life’ pa rin sa gitna ng pandemya

Sa kabila ng nararananasan nating pandemya, dumagsa pa rin ang mga tao para pumila sa isang mall kung saan may sale ang isang kilalang brand ng cosmetics o make up.

Ito ang post ng Facebook page na Whatever kung saan makikita ang napakaraming customers na nakapila para makaabot sa nasabing sale.

PHOTO: Facebook | Whatever

Kapansin-pansin na tila dikit-dikit na ang mga tao at parang nabalewala ang ipinatutupad na social distancing para maiwasan at mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Nakakaalarma ang nasabing mga larawan dahil maituturing na rin itong mass gathering o pagtitipon ng maraming tao na mahigpit sanang ipinagbabawal sa panahon na nakasailalim pa ang bansa sa community quarantine.

PHOTO: Facebook | Whatever

Sa comment section ng nasabing post, iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens.

Narito ang ilan sa mga komento.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!