‘Joshua Garcia:’ “Congratulations, Gerald Anderson and Julia Barretto”

Maging masaya tayo sa ikakaligaya ng iba.

Ito ang post ng isang Facebook user na nakapangalan sa aktor na si Joshua Garcia. Wala mang binanggit na pangalan ay tila tinutukoy nito sina Gerald Anderson at Julia Barretto na kailan lang ay umamin na tungkol sa kanilang relasyon.

Sa isa pang post ay binati naman ni ‘Joshua’ sina Gerald at Julia na may kasama pang larawan ng dalawa.

Agad namang itinanggi ni Joshua na sa kaniya ang nasabing Facebook account.

Sa pamamagitan ng Instagram (IG) story ay ipinaalam niya na hindi sa kaniya ang nasabing Facebook account at wala rin siyang active Facebook account.

FYI po, this one is not mine and i don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you.

Screenshot: Instagram | Joshua Garcia

Kalakip ng kaniyang post ang screenshot ng nasabing Facebook account na nakapangalan sa kaniya.

Mayroon mahigit 300K likes/followers ang nasabing poser account.

Matatandaang kamakailan lang nang umamin si Gerald sa isang exclusive interview kay Boy Abunda tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Julia.

Si Joshua ang dating boyfriend ni Julia nang mahigit dalawang taon at si Gerald ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Bagama’t wala namang direktang pag-amin o pag-deny tungkol sa tsismis, maraming tagahanga pa rin ang naging interesado sa reaksiyon ni Joshua tungkol sa ginawang pag-amin ni Gerald.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!