Agad na humingi ng paumanhin at gumawa ng aksyon ang isang sikat na restaurant matapos ang isang ‘unfortunate incident‘ sa kanilang Roxas Boulevard branch na nangyari noong March 1.
Ayon sa kanilang inilabas na official statement ng The Aristocrat Restaurant:
Our customer found that her order was contaminated with an insect, which was brought to the attention of our manager on duty. Management then took the necessary actions immediately by replacing the order at no charge and conducting an immediate investigation of the matter.
Kasabay ng paghingi nila ng paumanhin ay ang pasasalamat sa mga customers sa pagbibigay ng mga ito ng feedback na makakatulong naman sa kanila upnag mas mapabuti ang kanilang serbisyo.
Sinisiguro din nila sa publiko na kasalukuyan silang nagsasagawa ng imbetigasyon tungkol sa nangyari.
We want to assure alI our customers that Aristocrat restaurant is taking this matter seriously and will be imposing changes to the way food is prepared and served. We are currently conducting an internal audit and plan on additional training for our staff to ensure that incidents like this are avoided in the future.
Tinanggap naman ng nagreklamong customer ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng restaurant.
Idinaan ni Lem Quiñosa Reyes ang kaniyang mensahe sa Facebook, kalakip ang kopya ng official statement ng restaurant.
Apology accepted, The Aristocrat Restaurant!
Bago pa ang paghingi ng paumanhin, idinaan din niya sa isang Facebook post ang pagkukwento tungkol sa naging karanasan sa pagkain sa restaurant.
Sa kaniyang kwento, sinabi niyang matagal na panahon bago ulit siya nakabisita at nakakain sa nasabing restaurant. Hindi rin niya inakala na pagkadismaya ang kaniyang mararanasan.
...I found a cooked cockroach while eating my food. Actually, naisubo ko na siya then niluwa ko dahil parang may kakaiba, di nga ako nagkamali, MAY IPIS!!! we ordered food for 3 person, boneless chicken, Pork Spareribs half and whole spareribs and Pancit.
Naglakip din siya ng mga larawan sa nasabing post bilang ebidensiya.
I took a picture before kinuha nung supervisor yung pancit and yung food ko, sabi ko tawagin ang manager. He just offered me, “Ma’am papalitan ko nalang po food niyo po” like umay na ako, diri na ako.
Nag-alok din daw ang supervisor na palitan ang pagkain pero tumanggi na siya.
He called the manager, and nag decide nalang sila na wag na pagbayarin. But I insist to pay my bill pero wag nalang daw dahil dun sa nangyri (offer atonement).
Sa huli, muli niyang tinawag ang atensiyon ng restaurant at pinaalalahan ang publiko na maging mapanuri at maingat sa pagkain.
Narito ang kabuuan ng nasabing Facebook post.
Samantala, pinuri naman ng mga netizens ang naging mabilisang tugon ng Aristocrat sa nasabing insidente, pati na rin ang pagkilala nito sa kanilang pagkakamali at ang paghingi nito ng paumanhin.