Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post kung saan nagkwento ang isang biktima ng bagong modus ng mga magnanakaw ngayon.
Sa post ni Mark Cruz Pajaroja, idinetalye niya kung paano siya naging biktima ng nasabing modus na nangyari lamang noong March 2.
Base sa kaniyang salaysay, nangyari ito bandang alas-9 ng gabi nang sumakay siya sa isang jeep papasok sa kaniyang trabaho.
Ang inakala niyang ordinaryong araw lamang, biglang nabago nang may sumakay ding anim na lalaki.
Dalawa sa mga ito ay umupo sa harapan niya, samantalang ang dalawa pa ay umupo sa tabi niya.
Pagkalipas lamang ng ilang miuto, itinuro na ng isang nasa harap niya ang kaniyang kaliwang balikat na noo’y may mantsa na ng ketchup.
Ayon sa lalaking nakaupo sa harap niya, may Badjao raw na dumura sa balikat niya.
Noong una ay hindi na lang niya inalintana ang mantsa sa balikat niya. Pero kalaunan ay nanghingi siya ng tissue sa mga kasakay niya para pahirin na ang dumi sa balikat niya.
Inilagay niya ang kaniyang cellphone sa bag at tinulungan naman siya ng katabi niyang nasa kaliwa.
Wala siyang kamalay-malay na nadukot na pala ng tao na nakaupo sa kanan niya ang kaniyang iPhone 11 at mabilis na bumaba ng sasakyan.
Nang sabihan siya ng mga kasakay ay nakababa na pala ng sasakyan ang dumukot ng kaniyang phone.
Pagkababa naman niya para habulin ito ay may isang lalaking naka-motor na nag-alok ng tulong na habulin ang magnanakaw na noon ay nakasakay na ng ibang jeep.
Hindi na rin nila ito nahabol dahil inabutan na sila ng traffic light.
Pagdating ko sa office I’ve accessed all my accounts and changed my password. I tried to locate my phone using Find my iPhone App but to no avail. Pagdating ko sa bahay I can no longer access my accounts and tried to recover it using my back up email but it seems na napalitan na nila lahat.
They have attempted to access my BPI online banking thats why I got this error message. Naghanap ako ng malapit ng ATM para mawithdraw yung laman ng bank account ko. Then I called my bank to disable all my online banking access pati na rin yung card just to be safe.
I have reported my iphone as lost/stolen so they cant use the phone. Apple asked for a back up number in case na may mangialam ng phone ko then I got this message around 7:30PM March 3, 2021 na nasa Recto na yung iphone ko.
And guess what??? Kasabwat po si kuyang nakamotor na I thought na tumulong sakin. Ayan screenshot ng isang victim din with same modus. TRUST NO ONE!!!!
Ipinost din ni Mark ang ilan pang insidente ng ‘ketchup modus’ na nahanap niya sa Facebook.
Sa huli, pinaalalahanan niya ang lahat na mag-ingat sa ganitong klase ng modus.
As of this writing, mayroon nang mahigit 15K shares ang nasabing Facebook post.