Kinumpirma ng ABS-CBN at TV5 na mangyayari na ang mas pinalawak na pagsasanib-pwersa ng dalawang bigating TV networks.
Ayon sa kanilang joint official statement:
Patuloy ang pagtutulungan ng ABS-CBN Entertainment, Cignal, at TV5 sa paghahatid ng magagandang programa sa mas maraming Pilipino sa pagpapalabas ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa lyo ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Pinoy Big Brother (PBB) Connect” sa TV5.
Ayon kay Robert P. Galang, ang presidente at CEO ng Cignal at TV5:
We welcome the inclusion of ABS-CBN entertainment shows in our roster of programs. We believe that this content deal will benefit Filipino viewers across the country because of TV5’s extensive coverage.
Matagal nang bulung-bulungan ang pag-eere sa TV5 ng Primetime Bida shows ng ABS-CBN.
Una nang nagsimulang mag-simulcast sa Kapatid network ang dalawang Sunday shows ng ABS-CBN — ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King.
Lalo pang umingay ang ugong ng pag-eere ng mga Kapamilya teleserye nang magkaroon ng malaking pagbabago sa primetime programming ng TV5.
At ngayong hapon nga ay ibinalita ni Cristy Fermin sa kaniyang programa ang nasabing development sa partnership ng ABS-CBN at TV5.