Gusto ko rin magbigay ng good vibes.
Ito ang naging pahayag ni Danieca “Teacher Dan” Goc-Ong nang mag-guest siya sa programang “Sakto” sa TeleRadyo ngayong araw, March 5.
Actually po gusto ko i-add on ang skills ko into teaching. Gusto ko rin magbigay ng good vibes. Ewan ko ba. ‘Di ko inaasahan na magti-trend ‘yung ganoong style ko.
Isa siyang music teacher na mula sa Cebu na nakilala sa kakaibang paraan ng pagututuro niya ng pag-awit sa kaniyang mga videos.
Unang pumatok ang mga videos niya sa TikTok hanggang sa kumalat na rin ito sa iba pang social media gaya ng Twitter at Facebook.
How Far I'll Go with feelings
Disney Song #Prolong #volumatic #queenOfPiyok pic.twitter.com/oiBsfte7dq— DanVibes_official (@DanvibesO) March 4, 2021
Ayon kay Teacher Dan, hindi niya inaasahan na papatok ang kaniyang mga videos.
Naging trending ang mga ito dahil kinaaliwan ng mga netizens ang pagtuturo niya ng mga Disney songs gaya ng ‘Part of Your World‘(theme song ng The Little Mermaid) at ‘Do You Wanna Build a Snowman? (theme song ng Frozen).
Actually, I don’t have any idea na papatok siya sa mga tao. Ewan ko ba kung natutuwa sila sa piyok ko. Maraming nagtu-tweet, ‘di ko alam kung matutuwa ba ako. Pero gusto ko lang makita sila na natutuwa, mag-message sa akin na they really like my videos.
Patok din sa netizens ang paggamit at pag-imbento niya ng ilang salita para sa kanyang pagtuturo gaya ng ‘volumatic,’ ‘prolong,’ ‘proshort,’ at iba pa.
Disney Song: Do you wanna build a snowman? #volumatic #teacherdan #musicclass #prolong #proshort #queenofpiyok pic.twitter.com/JEmlWC2fCN
— DanVibes_official (@DanvibesO) March 3, 2021
Dating isang private school teacher si Teacher Dan na nagturo ng Araling Panlipunan, Values, Filipino, at MAPEH.
Isa rin siya sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.