Mapapanood na rin sa TV5 ang Primetime Bida ng ABS-CBN.
Ito ay isiniwalat ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa programang Cristy FerMinute ngayong araw, March 5.
Sabi niya:
Mamangha ang maraming tagasubaybay ng mga programa ng ABS-CBN tuwing gabi.
Dito na nga niya inianunsiyo ang pag-eere ng apat na ABS-CBN shows sa Kapatid network.
Alam n’yo po, sa darating na Lunes, March 8, dito na po sa TV5 ipapalabas ang ‘Ang Probinsyano,’ ‘Ang Sa Iyo ay Akin, ‘Walang Hanggang Paalam, hanggang sa ‘PBB Connect.’
Magugulat kayo, pero totoo po iyan.
Cristy Fermin spills the TEA.
This coming March 8! pic.twitter.com/JXqzRTlcFM
— Alt TV5 Manila | ABSCBNization (@AltTV5manila) March 5, 2021
Ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano‘ ay pinagbibidahan ni Coco Martin.
Ang ‘Ang Sa Iyo Ay Akin‘ naman ay pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano.
Ang ‘Walang Hanggang Paalam‘ naman ay pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Zanjo Marudo, at Paulo Avelino.
At ang ‘PBB Connect‘ ay ang ikasiyam na season ng sikat na reality show.
Simula nang mawala sa free TV ang ABS-CBN, nagsimula na itong humanap ng iba pang paraan upang mas mapalawak ang naaabot nilang viewers.
Kasalukuyan silang namamayagpag sa iba’t ibang platforms gaya ng Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at Kapamilya Channel.
Pinasok din nila ang pakikipag-partner sa iba pang TV networks.
Una na riyan ang blocktime agreement sa Zoe Broadcasting Network kung saan isinilang ang A2Z Channel 11.
Nakipag-partner din sila sa TV5 para sa pag-eere ng dalawang ABS-CBN shows tuwing Linggo: ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King.