Cash bouquet para sa Valentine’s Day, patok sa social media

Habang papalapit na ang Valentine’s Day o Araw ng mga Puso, nagsusulputan na naman ang iba’t ibang gimik sa ating paligid.

Kadalasang mga bulaklak at tsokolate ang patok para sa magsing-irog sa araw na ito.

PHOTO: Facebook | FloweRanger PH
PHOTO: Facebook | FloweRanger PH

Ang ilan naman ay mas trip ang balloons at teddy bears.

Pero sa isang gift shop sa Koronadal City, isang paandar ang kanilang naisip.

Sa halip na mga bulaklak ang iaayos para sa isang bouquet, pera na mismo ang bida sa bouquet na ito.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang gimik na ito ng FloweRanger PH.

PHOTO: Facebook | FloweRanger PH
PHOTO: Facebook | FloweRanger PH
PHOTO: Facebook | FloweRanger PH
PHOTO: Facebook | FloweRanger PH

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

Ang ilan ay humanga sa pagiging praktikal ng ganitong idea.

Sa halip na mga materyal na bagay daw gaya ng bulaklak at stuffed toys, mas nababagay daw sa panahon natin ngayon ang maging mas praktikal.

Kung pera nga naman ang matatanggap na regalo, mailalaan pa ito sa mas importanteng mga bagay.

May ilan din namang tila hindi nagustuhan ang ideyang ito at nagsabing tila pinagmumukhang pera naman ang reregaluhan nito.

Sabi pa ng ilan, kahit na wala namang regalo sa Araw ng mga Puso ang kanilang partner ay maiintindihan nila lalo na sa panahon ng pandemya.

As of writing, mayroon nang mahigit 76K shares ang facebook post na ito.

Ikaw, ano sa palagay mo tungkol dito?

Mas gugustuhin mo na lang din bang maging praktikal?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: