Reunion movie nina John Lloyd at Bea, tuloy na tuloy na

Wala nang makakapigil pa sa pagbabalik-pelikula ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Ito ang kinumpirma ng managing director ng ABS-CBN Films na si Olivia Lamazan.

Magsisimula na ang shooting para sa pelikula ngayong buwan ng Marso.

Inilarawan niya ito bilang isa sa “biggest projects of the network” ngayong 2021.

Noong nakaraang taon pa sana sisimulan ang proyektong ito ngunit naantala na dahil sa pandemic.

Ayon pa kay Lamazan, parehong ‘involved’ daw sina John Lloyd at Bea sa kanilang reunion movie.

Ang pelikulang ito ay susulatin ni Carmi Raymundo at ididirek ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Matatandaang ilan sa mga biggest hits ng tambalang John Lloyd at Bea ang mga pelikulang One More Chance at A Second Chance kung saan ginampanan nila ang iconic roles na sina Popoy at Basha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: