Mga pahayag ni Claudine Barretto tungkol sa mag-inang Marjorie at Julia, pinag-uusapan

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang interview kay Claudine Barretto na ini-upload ng YouTube channel na Celebrity Updates.

Naging matapang kasi ang mga pahayag niya tungkol sa kanyang kapatid na si Marjorie at sa anak nitong si Julia.

Nang maungkat ng mga reporters ang tungkol sa usapin ng ina nilang si Inday Barretto at kung dumadalaw ba ang mag-iinang Marjorie dito, ito ang naging pahayg ni Claudine.

“Hindi naman sila nagbibigay ng time sa mama ko. Di nga nila chine-check up eh.”

“Pag kasama nila ang mama ko ang hilig nilang gawin, magpa-picture lang sa Instagram, tapos aalis na.”

Nang tanungin kung kinukumusta ba ng mga ito ang kalagayan ng kanilang ina, ang nasabi na lang ni Claudine ay:

“Hindi, kaplastikan yun.”

Nang mapag-usapan naman ang relasyon ni Claudine sa mga anak ni Marjorie, ito ang naging diretsahang sagot niya:

“Ayoko na rin sabihin na ako nagpalaki kasi nga obviously hindi maganda ang pagpapalaki

“Biruin mo, pinalaki mo tapos babastusin ka.”

Agad namang dinagsa ng komento ang nasabing video.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“alam natin na naging bread and butter si Claudine ng buong angkan nya I mean tayong batang 90s milyones ang kinubra nyan halos taon taon may teleserye at movie yan and aminado si Dennis Padilla na sya ang tumulong sa family nya”

“Naalala ko dati isa rin si claudine sa nagdala sa mga batang ito.. dahil si marjorie di naman ganun kalakas kumita noon. There was a time na naglaro si claudine sa deal or no deal tapos yung napanalunan nyang pera dinala nya sina julia sa hk disneyland”

“naging honest lang si claudine sa mga sagot nya…”

“Prangka si claudine.. Milyones naman Ang kinita nya dati sya talaga Ang bumuhay sa buo angkan nya.. Yun nga Lang Wala utang na loob yun Mga pamangkin nya”

“Buti pa sya hindi plastic at pretentious kgaya ng kaptid nya at mga pamangkin na d maganda palaki ng ina”

“sana lng maayos nyo  ang gulo sa pamilya nyo..masarap kaya n masaya ang buong pamilya wala ng mas sasaya p doon..”

“Kayong dalawa ni greta grow up namo kayo pls Lang wag kayong kuda ng kuda sa media and social media about as family nyo kasi at the end of the day magkapatid pa rin kayo hello 👽”

Panoorin ang nasabing video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: