Naglabas ng kanyang hinaing ang aktres na si Claudine Barretto laban sa isang ospital.
Sa kanyang Instagram Live, ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa Quirino Memorial Hospital.
“Hello my palanggas and Claudinians.
“I just had to share this with you kasi talagang parang sasabog na ang dibdib ko.”
Naghihintay na raw siya ng halos dalawang oras.
“I’ve been waiting for more than an hour. For almost two hours.
“Kaya nga emergency kasi dapat mabilis di ba.
“Because I’m feeling so much pain.
“May sharp shooting pain ako sa stomach ngayon.
“And my whole body is aching.
“So they made me wait. And then ang tagal nung doctor na umattend sa akin.”
Binura rin niya agad ang nasabing video makalipas ang ilang sandali.
Narito ang naging komento ng ilang netizens tungkol dito (published as is).
“Akala ko ba in pain? Bakit nagawa pang magvideo? Haha”
“Your whole body is aching? Pero nakapag-IG?”
“Ganyan talaga sa ibang ospital. Lalo na pag government.”
“Baka naman kasi maraming patients? Sana inalam mo rin muna.”
“Baka rin kasi maraming mas emergency pa ang situation. Minsan kasi ganun ang nangyayari. Inuuna ang life and death situation. Mukhang kaya mo pa naman maghintay.”
“Gusto mo ba ikaw na agad-agad? Matuto ring maghintay. Baka may pila.”
“Feeling entitled talaga ang ibang artista. Kahit pa emergency yan, pwedeng may mas nauna pa sa iyo. Or may mas grabe pa ang sitwasyon.”
“Intindihin mo rin. Baka naman under staffed ang ospital nang mga panahon na yun.”
“Kung nakita mong nakatunganga lang sila at walang ginagawa, go. Magreklamo ka. Pero kung nakita mo namang maraming inaasikaso nung dumating ka, aba maghintay ka.”
“Baka naman maraming patients nung mga panahon na yun?”
“Kahit naman emergency, need pa ring maghintay kung maraming inaasikaso.”
“Hindi naman titigil ang mundo ng mga nasa emergency room para lang i-accommodate ka agad agad.”
“Dapat meron kang sariling ospital. Hahaha”
“What if may naghihingalo pala nung dumating ka at kasalukuyan nilang nire-revive? Gusto mo itigil nila yun at ikaw na ang asikasuhin?”
Panoorin ang nasabing video dito.
one word ‘TRIAGE’. baka hindi mo alam yan.
Emergency has also category. magbasa ka muna!