Julia Barretto, pinagbawalan na mag-girlfriend ang ex na si Joshua Garcia?

“Huwag ka munang mag-girlfriend.”

Ito umano ang ipinayo ng aktres na si Julia Barretto sa kaniyang ex-boyfriend at dating ka-love team na si Joshua Garcia.

Sa interview sa kaniya ni Boy Abunda sa YouTube channel nito kamakailan, ibinahagi ng aktres na madalas niyang payuhan ang aktor tungkol dito.

“Ako tinatanong ko, ‘How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang mag-girlfriend.’

“Sabi niya sa akin, ‘Bakit ba ayaw mo akong magka-girlfriend?’

“Sabi ko, ‘Basta huwag ka munang mag-girlfriend. Enjoy this. Enjoy what you have now.’

“He’s young. He’s in his prime. He’s a brilliant actor. It’s not the time to be limited right now.”

Matatandaang nagsimula bilang love team ang dalawa hanggang sa mauwi sa totohanan ang kanilang relasyon.

Naghiwalay sila noong 2019.

Samantala, isinapubliko naman nina Julia at Gerald Anderson ang kanilang relasyon noong 2021.

Dahil sa naging pahayag ni Julia sa nasabing interview, muling napag-usapan ng publiko ang naunsiyaming relasyon nila ni Joshua.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Siya na nga ang nang-iwan, siya pa ang magsasabi ng ganyan ngayon?”

“At bakit naman? Anong karapatan niyang pagbawalan?”

“Ano yan? Para may babalikan pa siya kung sakaling iwan siya ni Gerald?”

“Ngek! Hayaan mo nang maging masaya si Joshua.”

“Wag mo pangunahan si Joshua. Di ka na niya jowa para kontrolin mo pa buhay niya nang ganyan.”

“Ganun? Ikaw lang ang pwedeng magjowa? Ganun ba?”

“Imagine, an ex telling her ex na wag muna mag-girlfriend. Hahaha”

“Baka naman gusto mo pang balikan?”

“Whatever the intention is, di na magandang tingnan lalo na at sa yo pa nanggaling.”

“Ano ba naman yan. Let Joshua enjoy his life. Kung gusto mag-gf, hayaan mo. Sino ka ba?”

“Nanay yarn? Paladesisyon ka teh? Char! Hahaha”

“At kung magkaroon ng jowa, anong gagawin mo?”

“Sino bang nang-iwan sa kanilang dalawa?”

“Move on na teh. Ikaw nga itong nagkaroon agad ng jowa eh. Hayaan mo na rin siya sa kung anong bet niya sa life nya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: