Julia Barretto, binatikos ng ilang netizens matapos mag-viral ang post ng amang si Dennis Padilla

Kinuwestiyon ng ilang netizens ang aktres na si Julia Barretto matapos mag-viral ang post ng amang si Dennis Padilla.

Sa isang Instagram post kasi ng komedyante ay tila nagparamdam ito na nakalimutan umano ng mga anak na batiin siya noong Father’s Day.

Nag-post ang komedyante ng isang larawan na kasama ang mga anak na sina Julia at Claudia.

”Miss you both… You forgot to greet me last sunday… Hehe! God bless you more 🙏🏼❤️”

As of this writing, deleted na ang nasabing Instagram post ni Dennis.

Ngunit mabilis pa rin ang ilang netizens dahil nakapag-screenshot na sila ng nasabing post.

Dahil sa pagkalat nito sa social media, hindi maiwasan ng ilang netizens na punahin si Julia.

Binalikan kasi ng ilan ang isang Instagram post ni Julia noong Father’s Day.

Kalakip ng isang larawan na kasama si Gerald at ang alaga nilang aso, ay isang mensahe para sa boyfriend.

”Happy PAWther’s day @andersongeraldjr 🤍”

Narito ang ilang komento ng netizens (published as is).

”Naalala yung jowa pero hindi yung tatay?”

”Father’s Day pero jowa yung binati at hindi yung tatay?”

“Kung ako rin naman si Dennis, magtatampo rin ako.”

”Grabe naman pala si Julia. Di man lang naalala ang ama.”

”Hindi naalala o hindi talaga inalala? Magkaiba yun.”

”Malayo naman talaga yata ang loob niya sa ama.”

”Remember, gusto niyang alisin ang apelyidong Padilla dati.”

”Kahit naman anong tampuhan nila, sana di pa rin niya nakakalimutang ama niya pa rin si Dennis.”

”Sabi nga nila di ka makakarating sa paroroonan mo kung di ka marunong tumanaw ng utang na loob sa magulang mo.”

”Baka naman may iba pang pinaghuhugutan si Julia?”

”Di naman natin alam ang buong kwento kaya keri lang. Issue nilang mag-ama yan.”

“Andami na namang sinasabing negative kay Julia eh nakiki-miron lang naman tayo sa kanila. Hahaha”

”Sana man lang naaalala pa rin niya ang tatay niya kahit pano.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: