Larawan ni Zeinab Harake kasama ang rumored boyfriend niya, kinakiligan ng netizens

Usap-usapan ng netizens ang ilang social media ng internet personality at vlogger na si Zeinab Harake.

Nag-post kasi ito ng ilang larawan kasama ang isang hindi pa pinapangalanang lalaki.

RELATED STORIES:

Isang ‘mirror selfie’ kasama ang isang lalaking nakayakap mula sa kaniyang likuran ang isa sa mga ipinost ng vlogger.

Sa isa pang Instagram story, nagbahagi si Zeinab ng isang candid photo niya habang may ka-holding hands at nakasakay sa isang kotse.

May mensahe pa na “Thanks for driving me home.”

Sa isa pang IG story, larawan naman ng lalaki sa isang firing range ang ibinahagi ng vlogger.

May caption ito na “all 👀 on u”.

Dahil sa mga nasabing larawan, mabilis na nanghula ang netizens na baka ito na nga ang bagong boyfriend ni Zeinab.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang huling naging karelasyon ni Zeinab na si Skusta Clee.

Narito ang ilang komento ng netizens sa mga nasabing larawan.

”I say d-a-s-u-r-b!”

”Congrats, girl! Ang gwapo. Deserve mo yan!”

”Ay, ipakilala na yan!”

”Deserve mong lumigaya nang totoo this time.”

”So happy for you. Deserve na deserve mo ang bonggang lovelife!”

”Ay, ang layo dun sa ano. Dun sa kuwan. Haha”

”Pak! Ang bongga naman! Happy for you.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: