VIRAL: Kontesera, pinaulit-ulit ang banda sa pagpipilit na maabot ang mataas na nota

Viral ngayon sa social media ang video ng isang babaeng contestant sa isang amateur singing competition sa Pililla, Rizal.

Kinaaliwan kasi ng netizens ang ‘fighting spirit’ ng kontesera na tila ayaw sumuko sa pag-abot sa matataas na nota ng kaniyang inaawit.

Tila hirap ang babae na abutin ang mataas na bahagi ng kantang To Love You More ni Celine Dion.

Halos pumiyok siya sa maatas na parte na awitin ngunit sa halip na panghinaan ng loob, pinakiusapan niya ang banda na ulitin ang nasabing bahagi ng awit.

Inulit naman ng banda ang bahagi ng kanta kung saan nahihirapan ang babae, ngunit hindi pa rin talaga nito naabot ang mga nota.

Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang komento ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: