Naglabas ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng Instagram stories si Jake Zyrus.
Ang mahabang mensahe niya ay tungkol sa nararamdaman niya sa mga nagsasabing nami-miss na nila si Charice Pempengco.
“I don’t care if you want to listen to my Charice songs all damn day or if you hear my charice voice in my falsettos.
“Because of course you dumbass MF, boses ko parin yon, nag-transition lang.
“Sabi ko wag na patulan mga ganung tao kasi nagiging feeling na. Pero hindi kasi bastos na talaga ang iba.
“Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman yon.
“Pero para ipangalandakan mo na “Charice is coming back” and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo MF transphobia ass away from me.”
“Feeling alam ang sinasabi. Patalino effect. Entitled.
“I’ve done some interviews where I’d say, okay lang kahit sinasabi nilang namimiss nila si Charice or saying mga nangyari before and I’d just awkwardly smile and take it just because I wanted to please these MFs.
“Nakakalito na nga interviews ko para kahit papano di masyado problematic at medyo pasok parin sa nyetang standards ng karamihan.”
Ipinagtapat din niya ang nararamdaman tungkol sa mga nagsasabing may gusto pa rin nila si Charice kaysa kay Jake.
“I am not MF okay with this. Kasi the more na sinasabi kong “ah oo okay lang yun. Okay lang na nagkakamali silang tinatawag akong charice. Or okay lang na tanggap nila ako as Jake ”pero“ mas gusto nila ako pre-transitioned, the more na nagiging kampante ang ignoranteng palaka na bastusin kung ano ang naging desisyon ko sa buhay ko.”
“Lagi na lang ako nagiisip kung anong sasabihin ko sa mga interviews para balance lang ang maisip ng mga tao ar para di sila ma trigger at sabihin na wala akong utang na loob or the kung di dahil sa “amin” or “akin” mentality.”
Hindi na raw niya kayang manahimik pa kahit nao-offend na.
“Never again. Ilang beses na akong naoffend na hindi ako nagsasalita. Last na to. Tutal ke public, or sa family, or sa mga ex-friends ko eh mayabang at masama ang ugali ko, so be it.
”I know my MF heart. Bring it on.”
May mensahe rin siya sa mga taong inirerespeto ang kanyang naging desisyon sa buhay.
“I will always have my utmost respect sa mga taong nirerespeto ang nakaraan at ang kasalukuyan ko. Hindi yung respeto sa nakaraan, bastusin ang kasalukuyan. Ayusin mo opinyon mo. Ay, hindi pala opinyon yan. Insulto yan. Ignorante ka nga pala.”
May mensahe rin siya sa mga kapwa niya miyembro ng LGBTQ+ community.
“Prepare ko sarili ko sa ibang sasabihing sila pa mabubully. Lol. Really tho. Bless your hearts. Full of hate. Convincing yourselves na tama ka just because sa mata ng tao normal ka? Lul. This goes out to some LGBTQ+ na bashers ko ren. Sa totoo lang tayo. Di talaga sa labels yan. Ugali ng tao talaga yan.”
Sa huli, nagpasalamat siya sa mga nakaka-appreciate sa kanya bilang si Jake.
“Last note: salamat sa mga nirerespeto ang mga nagawa ko before at nagagawa ko ngayon. Salamat kung naririnig nyo charice voice ko yet naaappreciate din ang boses ko ngayon. Salamat sa mga nandyan dahil sa mga nagagawa ko ngayon.
“P*kyu naman sa mga nandyan lang dahil umaasang magga-gown ulit ako.”
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily