Andrea Brillantes sa pagbi-baby talk niya: “Noong bata ako, kulang din ako sa pansin.”

“‘Yung pagbe-baby talk ko na laging nagte-trending, voice ko talaga siya pero hindi siya ‘yung napipili ko subconsciously.”

Ito ang naging reaksiyon ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa viral video niya kung saan nakuhanan siyang nagbi-baby talk kasama ang boyfriend na si Ricci Rivero.

Kuha ang nasabing video habang bumibili sila sa isang tindahan sa Siargao.

Mabilis itong kumalat sa social media noon at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Sa interview sa kaniya ni Karen Davila, sinabi ni Andrea na minsan ay hindi niya talaga namamalayan ang pagbi-baby talk niya.

“‘Yung pagbe-baby talk ko na laging nagte-trending, voice ko talaga siya pero hindi siya ‘yung napipili ko subconsciously.

“Bigla lang siya nagsi-switch kasi nung bata ako kulang din ako sa pansin — kasi nga bunso ako then hindi ako lumaki sa parents ko – baby-baby talaga ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

RELATED STORIES:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

“‘Yung pagka-baby voice ko sometimes good and bad.

“Kasi minsan lalabas siya kapag ibig sabihin nun komportable ako sa’yo or feeling ko may nakikita akong father figure sa’yo or kuya figure, ate figure kasi lumaki rin ako sa broken family.”

“Hindi ko talaga siya napipili. Minsan mare-realize ko na lang kapag inaasar na ako ng mga tao na dun ako nagbe-baby talk.”

Inamin din ng aktres na hindi na siya nasasaktan sa mga negatibong komento dahil wala siyang kontrol dito.

“Hindi. Kasi kahit ako hindi ko rin maintindihan eh.

“Bumabalik at bumabalik talaga siya. Nababago ko lang siya kapag may role ako kasi trabaho ‘yon at kailangan.

“So feeling ko part talaga siya ng childhood ko na nawala.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: