Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: “Hindi hihinto ang pagiging nanay ko…”

Kinumpirma ng komedyanteng si Pokwang ang hiwalayan nila ng partner na si Lee O’Brian.

Sa isang social media post ay isinawalat niya ang tunay na estado ng kanilang pagsasama.

RELATED STORIES:

Ibinahagi niya na nagwakas na ang anim na taon nilang pagsasama pitong buwan na ang nakakalipas.

“Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia.

“natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko.

“at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon 🙏🏼 ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay😊”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

“salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal 🙏🏼“

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga kagaya niyang single parent.

“sa mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya 🙏🏼

“hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay 🙏🏼#Wagmapagodparasamgaanak”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: