Kumalat sa social media ang balita na umano’y tinanggal bilang endorser ng isang kilalang salon ang aktres na si Andrea Brillantes.
Ayon sa kumalat na balita, ito ay may kinalaman umano sa mga viral tweets ng aktres matapos ang eleksyon.
Matatandaang kumalat sa social media, partikular sa Twitter, ang screenshots ng mga sinasabing tweets umano ng aktres.
”Seriously people??? Nasan mga ut*k nyo???”
”Shout out sa mga mahilig magkalat ng fake news! First of all, wala akong p**n, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng hotdog yon, mga B*B*!”
Mabilis na nag-react ang mga netizens dahil sa mga nasabing tweets.
Kasunod rin ng pag-viral ng nasabing mga tweets ang intriga na umano’y tinanggal na ang aktres bilang isa sa mga endorsers ng Sir George by Mary Pauline Salon.
Agad namang nilinaw ng kampo ng aktres ang nasabing issue.
Ayon sa Aguila Artist Management na siyang namamahala sa career ng aktres, edited at fake ang mga nasabing tweets.
Nanawagan sila sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pagshe-share ng mga tweets na kagaya ng mga ito.
Pinabulaanan din nila ang balita tungkol sa umano’y pagkakatanggal ng aktres bilang endorser ng kilalang salon.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag hinggil rito.
“Hindi totoong tinanggal si Andrea Brillantes sa anumang listahan ng celebrities ng Sir George by Mary Pauline Salon dahil unang una, hindi ito endorser at hindi rin siya kliyente sa loob ng mahigit limang taon ng naturang salon.
”Walang anumang kontrata sa pagitan nila at ng artista namin at walang anumang obligasyon si Andrea sa kanila.
“Muling pinaaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at wag basta nagpapaniwala sa nasbabasa nila online lalo na kung malisyoso ang intensiyon o may pansariling interes na isinusulong ang mga taong nagpopost tungkol dito.
“Nagpapasalamat naman kami sa lahat ng patuloy na nagmamahal at nagbibigay ng pang-unawa kay Andrea, lalong lalo na sa mga brands o kumpanya na buo pa rin ang tiwala at suporta sa kaniya.
”Taos-puso po ang pasasalamat namin sa inyo.”