Brenda Mage, tinawag na ‘walang silbi’ si Alexa Ilacad sa PBB

Viral ngayon sa social media ang isang video clip na kuha sa livestreaming ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Sa nasabing video clip, mapapanood ang pag-uusap ng mga celebrity housemates na sina Brenda Mage at Madam Inutz.

Sa simula ng video, maririnig na tila pinag-uusapan ng dalawa kung sinong housemate ang mapapalabas ng bahay ngayong linggo.

Sa kasalukuyan ay nominated for eviction sina Alexa Ilacad, Samantha Bernardo, TJ Valderrama, at Karen Bordadero.

Double eviction ang magaganap ngayong linggo. Ibig sabihin, dalawa sa apat na nominado ang magpapaalam na sa pinakasikat na bahay sa bansa.

Ayon kay Madam Inutz, sa tingin niya ay sina Karen o Alexa ang mae-evict.

“Ako tingin ko talaga jan, Karen or Alexa (ang mae-evict). Pero kung malakas ang supporters ni Alexa–”

Nagkomento rin si Madam Inutz sa bagay na umano’y pinagtatakhan niya.

“Kaya nga, e. ‘Yun lang din ang pinagtataka ko. So far na andito ako, wala pa akong nakikitang nagawa (ni Alexa) as in puro lang music.”

Sumang-ayon naman si Brenda sa obserbasyon ni Madam Inutz.

“Puro lang siya music, wala nga siya ambag dito. Tingnan mo sa grupo nila, iyakin kasi wala siyang nagagawa, zero lagi ambag niya.”

Patuloy na ang naging komento ni Brenda tungkol sa kanilang mga tasks sa loob ng bahay ni Kuya.

“Kanina sa tingin mo may ambag ang lakas niya? Wala rin. Sa lahat ng task, wala siya ambag. ‘Yun lang ‘yung sa play, kanta lang, sirena siya.”

Dito na sinabi ni Brenda ang tingin niya sa kapwa housemate.

“Walang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH, laging lampa.”

Maging sa gawaing bahay gaya ng pagluluto, ay mayroong komento si Brenda.

“Sa lutuan naman, walang kwenta, panay pa tago ng tinapay tsaka itlog, panay lamon pa.

“Kapag kumakain, hindi nagpapaalam.”

Nagkomento rin siya sa aniya ay ambag lang ni Alexa.

“‘Yun lang ambag niya love team love team, pero siya laging nase-save.”

Tila hindi naman nagustuhan ng maraming netizens ang ginawang pag-uusap ng dalawang housemates tungkol sa isang kapwa-housemate nila.

Umani ng reaksiyon mula sa netizens ang nasabing pag-uusap na iyon.

Panoorin dito ang nasabing viral video.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: